ALICE POV
Matiyaga akong nag hintay until she looks at me.
"Sorry po Ma'am Alice pero sa inyo po nakapangalan ang motel room," kinuha pa nito ang ID ko sa ilalim ng table n'ya at binigay ito ng nakangiti, "thank you for checking in sa aming motel, sana po ay nag enjoy kayo. May libreng pa survey po pala kami, we would appreciate your rate po!"
Binigyan ako ng flyers ng babae and I found it so rude na sasabihin n'ya pa ito.
"Rate! Ano ito ate? Nagpapatawa ka ba ha? Someone took advantage of me and yet ito pa ang sasabihin mo? You want me to answer your survey at irate ko ang inyong motel? Nasisiraan ka na ba ng bait ha? Are you really trained to face your customers? Sana na realize mo na galit ako!"
"Pasensya na po kayo Ma'am!" she said, humina pa nga ang boses nito.
Muli kong hinampas ang lamesa n'ya!
"No, I need to talk to your manager! Gusto kong i review ang cctv camera!"
Umalis ang babaeng ito na may kaba sa kanyang mukha. Halos mababaliw na yata ako dito, naloka ako sa sinabi ni ate girl. Answering a survey and rating this hotel? Baka puro reklamo na ang gawin ko at bagsak ito sa ratings!
Dumating ang babaeng ito at dala na n'ya yung manager n'yang nagpakilala bilang si Ara. Itong si Ara ang inaway ko at tinakot ko ito na kakasuhan ko ang motel nila sapagkat milyonaryo ang tatay ko even though this is not true at all.
The fact is, mahirap lang kami ngunit nagkataon na may sariling bahay at ako ang breadwinner namin. College na ang kapatid kong si Dan sa paparating na pasukan at sasakto ang sahod ko sa bayaran nito ng tuition. Ang bigat pa naman ng culinary course na kinuha nito sapagkat ang mahal!
"Ano ha? I will call my dad and tell him to sue you, baka mapasara kayo ng wala sa oras! Wag mo akong hinahamon!"
Tinaasan ko ito ng kilay like what I am doing kapag may masungit akong nakakausap.
"Sige po Ma'am, sumunod po kayo sakin!" she said, nauutal pa itong magsalita.
I guess na talagang effective ang pagtataray ko kasi nagawa ko itong takutin! May pinuntahan kami sa likod ng kanilang main lobby at pumasok sa isang room. May ilang tao akong nakita sa loob at kinausap n'ya ang isa sa mga ito and then ni review na nila ang CCTV camera.
Sa unang video kung saan papasok kami, nakita kong akbay n'ya ako. Naka coat s'ya ngunit may mask ang kanyang mukha. Naka sumbrero din ito. Nag usap kami but it was not heard sa CCTV. Then ako mismo ang nagpahiram ng ID sa kanya.
Hanggang sa pag akyat namin sa elevator, nakasuot ito ng mask at bigo akong makita ang kapal ng face n'ya! Umuwi akong luhaan, tulala ako until makarating sa subdivision namin, ang bigat ng katawan ko, nahihilo ako at dinapuan na ng gutom ang tiyan ko.
Bakit ganun? Kahit na nakita ko yung CCTV footage kanina, I cannot remember any of those anymore. Even sa pagpasok namin sa motel, I could not remember it either. Ginayuma yata ako ng lalaking yun at napasunod ako nito sa lahat ng gusto n'ya!
I know myself very well! I am not that type of a girl na sasama sa isang lalaking di ko kilala let alone mag check in sa motel. That's the only explanation here, and once I see that man again, kukuyugin ko ito at malilintikan s'ya for doing this.
He took my virginity, ang isang bagay na iniingat ingatan ko! To make matter worse, when I arrived home, nakita ko na ang kalat dito. Ang dumi ng aming puting tiles at ang sentro ng maraming kalat ay ang aming lamesa. Puno ito ng mga bote ng alak at basyo ng sigarilyo, mga chichirya at may box pa ng pizza. It's already 8 am ng umaga and Saturday, nasa bahay lang ako ngunit ito pa ang bubungad?
Mabilis na nag init ang ulo ko sa nakita ko! Ayoko pa naman sa kalat, galit ako dito, gusto ko na malinis ang buong kapaligiran. Sa bagay, what do I expect kung parehas na lalaki ang nakatira dito sa bahay? If my mom were still alive, mas maayos sana ang bahay namin. Sa kanya ko namana ang pagiging malinis ko.
Sumigaw ako ng malakas sa yamot ko kasi umalingasaw pa yung amoy ng cr!
"DAN!"
Walang sumagot! Sinubukan ko ulit sumigaw pero iba ang narinig kong sagot galing sa likuran ko.
"Oh? Bakit ngayon ka lang dumating ha? Kagabi pa kita hinihintay, saan ka ba nagsusuot? Ke babae mong tao tapos madaling araw kang uuwi ha?"
Mas nauna pa akong mag umagahan ng sermon kesa sa makakain ako ng pagkain. At kahit na nakatalikod ako sa tatay ko ay naaamoy ko ang alak nito.
"Tay, bakit ho kayo uminom ulit ng maraming alak? Di ba po masama ito sa inyong kalusugan?" tanong ko.
"Friday kagabi at niyaya ko ang mga kumpare ko na mag inom. Ano ang gusto mong gawin ko? Mag mukmok akong mag isa dito sa bahay ha? Ang kapatid mo, doon natulog sa bahay ng tropa n'ya at malamang ay lasing din yun kasi nag inuman sila kagabi!"
Sa galit ko ay lumingon ako. And I saw him na namumula pa ang pisngi at may hawak pa ng isang bote ng alak sa kaliwa nitong kamay. Nakasandal sa pintuan at parang pipikit na ang mga mata. Sa office nagtatrabaho ang papa ko, not as a manager pero isang messenger at taga hatid ng mga documents sa iba't ibang lugar gamit ang motor nito.
Maraming mga kaibigan ang papa ko. Sa totoo nga, mas marami pa itong kaibigan dahil shy type ako na introvert. At akala ko nga, yung ka-isa isang tinuring kong bestfriend pa ang aahas sa boyfriend ko!
"Uminom? Minor pa si Dan ngunit pinayagan n'yo nang uminom at natulog pa sa tropa n'ya?"
"Hayaan mo na ang kapatid mo! Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya noon," sabi pa nito.