(ALICE POV) Namimili na ako ng make up and lipstick ko. Medyo matagal na kami rito ng kapatid ko ngunit ang hirap mamili. I wanted to have the best look bilang parte ito ng aking puhunan sa pagmomodel. Expensive man ang mga ito na libo ang presyo ngunit alam ko na magiging sulit ito in the near future. Nasa salamin ako at nakita ko sa likod itong si Dan na nakatingin sakin, nakasimangot ang kanyang mukha at halatang naiirita na ito dahil ang tagal na naming nakatambay rito. Sorry s'ya, he knows even before na nagpapaka babae ako at matagal akong mamili. Dito lumalabas ang pagiging kikay ko. Nang di na ito makatiis ay lumapit na s'ya sakin, "Ate ba't ang tagal mong mamili ha? Kanina pa ako nag hihintay sa iyo eh!" Humarap ako sa sa aking kapatid, "Ano ba ha? Matuto ka ngang mag hintay

