(ALICE POV) Kinapa ko ang aking cellphone at pag check ko sa oras ay tanghaling tapat na pala. Bumangon ako ng magbilis upang mag cr. Pag labas ko ay nakita ko si Dan at si papa na kakain pa lang sana. "Uy ate good morning! Mukhang napasarap yata ang tulog mo kagabi at ngaun ka lang nagising?" pagbati nitong si Dan. "Ikaw ba naman, katabi mo yung boyfriend mo, s'yempre 'di mo na mamamalayan ang oras dahil ang bawat sandali ay mahalaga!" Nagtawanan sila pagkatapos ngunit ako na bagong gising ay sobrang badtrip. Di na nga nila ako ginising para kumain and then now, they are going to do that. Ang aga nila ako asarin. "Tantanan n'yo akong dalawa ha! Ang aga aga ng pagbibiro n'yo, wala ako sa mood. Ba't di n'yo ako ginising kung kakain na pala ha? At sa tingin n'yo ba ay ginusto ko yung

