(ALICE POV) Sumimangot itong si Dan. "Paano ako makakatulog nito eh ang ingay n'yong lahat? Naka headset na ako sa kwarto ko ay naririnig ko pa rin kayong lahat. Ayaw n'yo akong patuligin!" pagmamaktol nito, "kaya ito, ima myday ko ang picture n'yong lahat!" "Hali ka Dan inumin tayo!" pag-aaya nitong si Ninong Dave na nag abot ng isang bote ng alak. Madali ko itong inagaw sa kanyang kamay at sinungitan ito. As if naman na papayagan ko si Dan na uminom knowing that he is still a minor! "Pass po Ninong, sorry pero di ko papayagan na uminom ang kapatid ko kahit na anong mangyari!" "Ate naman, uminom ako kanina ng isang bote ngunit wala namang nangyaring masama sakin. Masyado kang kabado, nandito lang ako sa bahay tapos pag babawalan mo pa akong uminom?" pagmamaktol nito ulit. " Ma

