KNIGHT's POV Pinagalitan ako ni ate Jossy, ‘yung anak ni nanay ising na panganay, napatawa na lang ako habang pinapagalitan ako dahil nawalan ng malay si Daisy at ngayon ay natutulog pa din. "Jusco ikaw na bata ka! Kita mo namang nerbyosa ‘yang girlfriend mo eh pinagloloko mo pa, halos umeko ‘yung sigaw niyang bata na ‘yan sa buong compound natin." "Sorry po.” kinamot ko na lang ang batok ko. "HAHAHAH ano bang nakain mo Knight? Ngayon lang kitang nakitang ganoon at ang saya-saya mo,” napatingala ako at tinignan si ate Jossy nakangiti siya sa’kin. Akala ko papagalitan niya kong maige dahil sa pinaggagawa ko kay Daisy pero natutuwa pa siya? “mukhang nahanap mo na nga ang babaeng makakatapat mo haha, o’sya wag mo nang takutin ‘yang syota mo at baka mamaya hindi na magising ‘yan sa nerb

