REIN's POV "Daisy isabit mo na din ‘to.” kinuha ko ang kulay pula at hugis puso na papel saka sinabit sa pinto. Kaloka Feb-ibig month na pero ako nganga pa din? Asan ang hustisya sa mundong ito? Pakiramdam ko tuloy mag isa na lang talaga ako eh, sabagay mag isa na talaga ako dahil nung last week inayos na ni Maine ang mga gamit niya at nilipat na ulit sa dating bahay nila kahit ayaw niyang gawin ‘yun at ibinibigay na sa’kin lahat ay tumagi pa din ako at hinayaan na siyang umalis sa apartment namin, although dumadalaw siya at minsan doon na tutulog pero alam mo ‘yun? Parang ako na lang talaga mag isa sa bahay na ‘yun. Siguro dahil namimiss ko na din si mama. “Daisy ito pa oh last na promise.” kinuha ko ‘yung iba pang design na ilalagay sa pinto at bintana ngayon para sa motif ng month.

