"What took you so long?" Sinipat pa siya ng tingin ng kasamang lalaki. "Ganyan ang wolf form mo?" "Hmm." Ibinaba niya ang mga baging na nasa balikat niya. "Bakit ngayon ka lang nakabalik?" Inabutan siya nito ng karne. "Salamat," saad niya at kinuha ang karne at isinubo. "Nilagyan ko ng Santeliom ang buong dalampasigan ng isla." "Bakit?" "Dito tayo sa islang ito namatay sa panaginip ko kaya hindi pwedeng dalhin dito ang laban." "Kaya naman ay dadayo tayo roon sa teritoryo nila para doon tayo magpakamatay?" Binuntutan pa ng tawa ni Arnold ang sinabi nito. "Sino bang nagsabing papayag tayong maging hapunan nila?" "How can you be so sure na tatalab nga ng Santeliom sa kanila?" Ahh... Tama. Nagdududa na naman ito sa kanya. Akala yata ng lalaki ay nagbibiro siya kaya tumayo siya an

