ALEX'S POV "Hanna, mahal na mahal kita.. Sobrang mahal na mahal kita.. At ang sakit sakit na dito.." After saying those words to Hanna, kahit masakit, umalis na akong sobrang sama ng loob, umiiyak at malungkot. At habang ako ay nagdadrive-- "Mahal na mahal kita, Hanna!!" sigaw ko yan habang nagmamaneho. Iyak pa din ako ng iyak. Tapos hininto ko ang sasakyan ko. Yumuko ako sa manibela at umiyak. Umiyak. Umiyak. At umiyak. Tang inang pag-ibig to! sigaw ng utak ko. Tapos umayos at biglang napaisip ako. Pinaandar ko ulit ang sasakyan ko. Nakatuon na ang tingin ko sa daan. Maya-maya ay binilisan ko talaga ang patakbo. Pinaharurot ko ang sasakyan ko. "Take me!! Take me!!" sigaw ko habang pinatatakbo ko ang sasakyan ko ng mabilis

