HANNA'S POV Nagdilat ako ng mata ng may maamoy akong mabango. Napainat pa ako habang nakahiga tapos naupo. Hindi ko man lang napansin na wala pala ako sa bahay namin. Tumayo ako at dumiretso ng banyo. Naghilamos at nagmouthwash tapos lumabas na. Paglabas ko ay dumiretso ako sa couch tapos naupo at sinandal ang ulo. Ang sakit ng ulo ko, my God! sabi ko habang nakatakip sa mukha ko ang mga kamay ko. "Oh? Gising ka na pala. Good morning.. Halika, breakfast ka na.." Nagulat ako ng bongga dahil pagtingin ko ay si Luke ang nasa harapan ko. "Luke?!?!" gulat kong tanong. Napatayo pa ako at napaikot ng tingin sa buong lugar. Ngayon ko lang kasi napansin na wala nga talaga ako sa bahay. "Where am I?" tanong ko sakanya. "What happened? Bakit ako

