NICOLE'S POV Hindi ko inaasahan na magkikita kita kami nila Hanna sa isang department store. Actually wala talaga kahit sa panaginip kaya naman talagang nagulat ako ng magkita sila ni Alex. At oo, I invited them, kasama yung fiance nya, to go to our engagement party. Bakit? Coz I just want to know if Alex still have feelings for her. Pero nakikita ko namang wala na kasi parang hindi na sya affected kaya ok naman na. Ok nga ba? "Hon, see them oh?" sabi ko kay Alex ng mapatingin ako ng window namin sa hotel. Lumapit naman sya. Nasa labas na kasi sila Hanna. Magkasama habang naglalakad sa buong beach resort. Tumingin ako kay Alex para makita yung reaction nya pero wala naman akong nabasa kaya bumaling na lang ulit ang tingin ko kanila Hanna.

