Wrong Turn of Events

1163 Words
[Third Person] “Let’s break up.” Napatigil si Yui sa paghangos nang bigla niyang narinig ang mga katagang binigkas ni Yanna. Agad siyang nagtago sa gilid ng hallway kung saan hindi siya makikita ng dalawa at kung saan malaya masusubaybayan ang nangyayari sa dalawa “Bakit?”  Hndi sumagot si Yanna “Honeybunch naman. May problema ba? May nagawa ba akong mali?” nakangiwing tanong ni Louie dahil hindi niya alam kung ginu-good time lang ba siya ng girlfriend. Louie smiled bago niya bahagyang ginulo ang ibabaw ng buhok ni Yanna.  “Nagtatampo ka ba dahil busy ako? Okay fine. Let’s ditch this program. Kain nalang tayo sa labas o kaya punta tayo sa amusement park. Let’s go on a date. Sakto, ganda pa ng porma natin.” Tinanggal ni Yanna ang kamay ni Louie sa ibabaw ng ulo niya bago siya umiwas ng tingin. “Love wag ka nang magalit. Bumabawi na nga ako oh. Let’s get out of here okay?” Hinawakang mul ini Louie ang kamay ni Yanna pero agad rin itong binawi ng dalaga sakaniya. “Paano yung speech mo? Yung program? Iiwan mo nalang basta basta?” “Sus. Speech lang ‘yon. Mas mahalaga para sa akin.” “Balita ko nandoon yung mga sponsors.” “Nakita naman na nila ako atsaka nagkausap na kami kanina nang saglit.” Yanna took a deep breath. “Honeybunch, tara na. Ayaw ko na rin di’to. Mas gusto kong kasama ka ok---” “Tinatanong mo ako kung anong problema?” Napatigil si Louie dahil sa response ni Yanna. “Ayan. ‘Yan ang problema. Dahil ganiyan ka! Why do you keep on prioritizing me over everything else? Hindi ka ba nag-iisip? Aalis tayo dito for a date? Paano yung sponsors na pwedeng tumulong sa’yo in the future? Iiwan mo nalang dahil sa’kin?” Louie straightened his face. “Narinig mo ‘ba kami ni Yui?” direktang tanong nito. “Hindi mo pa sinasagot yung mga tanong ko.” “Nag-iisip ako. At para sa akin, ikaw ang pinakamahalaga kaya palagi kitang pipiliin.” “Paano nga yung future mo?” “Ikaw lang ang future ko.” “Umayos ka naman Louie. Hindi ‘to laro laro lang. Hindi ‘to joke time.” “Kaya ko namang maging successful kahit na wala ‘yang mga sponsor na ‘yan.” “Alam ko! Pero… paano si Yui? Madadamay siya kung hindi ka pupunta.” Natigilan si Yui dahil sa narinig. Sobra siyang inis kay Yanna noon dahil gusto niya parin si Louie hanggang ngayon kaya naman ay nakaramdam siya ng konting guilt nang marinig niyang iniisip siya ni Yanna sa sitwasyon na ‘to. Gayun’paman, agad rin itong nawala nang marinig niya ang sagot ni Louie na mistulang kumurot sa puso niya. “Wala akong pakealam sakaniya.” Sa kabilang banda, mukhang nawawalan na ng pag-asa si Yanna dahil parang kahit na anong sabihin niya ay mukhang desidido na si Louie. Dahil dito, naisipan na niyang magbitaw ng mga salitang alam niyang makaksakit kay Louie. “Paano naman ako?” “Papakasalan kita. Dito tayong dalawa. Tapos ang usapan. ‘Ganon lang kasimple. Ano pa bang iniisip mo?” “Paano ako mabubuhay sa araw-araw with the thought na may isang taong naghihirap dahil sa pinili mong mag-stay dito? Hindi ko kaya. The guilt will haunt me forever Louie.” Louie took a deep breath. “Sige ganito na lang.” Louie held both of Yanna’s shoulder lightly while looking at her eyes. “Tutuloy ako sa Stella pero isasama kita. Okay na ba?” “Ano namang gagawin ko ‘don?” “Be my assistant. Di’ba you like arts? You can help me design houses, buildings o kung ano pa man ‘jan.” “I like fine arts. Fashion. They’re two different things.” “Then we’ll get a property there. You can stay at home as you pursue your passion, tapos ako mag-i-intern. Para pagkauwi ko, magkasama ulit tayo.” “I don’t want to go there Louie. I don’t want to be away from my friends. It’s not like I’ll be able to keep myself busy while you work di’ba? Hindi mo ba naiisip kung anong magiging sitwasyon ko don?” “Ayaw mong dito tayo. Ayaw mo ring sumama abroad. Ayaw ko namang wala ka sa tabi ko.” Louie looked at Yanna before sighing. “Can’t you endure it for a year? Isang taon lang. Doon tayo, tapos after a year babalik na tayo dito. O kaya dito nalang tayo okay? Alam ko namang nagseselos ka parin kay Yui. Wag mo nang subukang itago.” Umiling si Yanna. “Let’s break up.” Ulit ni Yanna “Yanna naman! Tulungan mo naman akong magdesisyon!” hindi na napigilang magtaas ng boses ni Louie. “Buntis ako!” nanlaki ang mata nina Louie at Yui pagkasabi ‘non ni Yanna. Magsasalita palang sana si Louie nang inunahan na siya ni Yanna. “… hindi ikaw ang ama.” Ang ngiting nakaporma sa kabi ni Louie ay bigla agad nabura. He smirked. “Prank ba ‘to?” Yumuko si Yanna. “I’m sorry” sa isip isip nito ay bigla siyang nagsisi dahil sa sinabi niya. “Tangina.” Isang pabulong na mura lang ang lumabas sa bibig ni Louie. Paulit ulit niyang sinasabi ang katagang ‘yon dahil hindi siya makapaniwala. Tinignan niya si Yanna “Masaya ka ba?” dahan dahang tumango si Yanna. “Sige.” Inangat ni Yanna ang ulo upang Makita ang reaksiyon ni Louie. “Sana sinabi mo agad.” napalunok si Yanna, pinipigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata niya. Louie smirked “Sana sinabi mo agad para hindi ako parang tanga dito na nag-iisip ng paraan para lang makasama ka.” “I’m sorry.” bulong ni Yanna Louie held her chin carefully so she can meet his gaze now. “Malaya ka na” a bitter smile formed on his lips before he slowly retreated his hands and walked away from Yanna without looking back. Yanna was trying to hold her emotions but she couldn’t contain it anymore. Napahagulgol nalang siya habang nakayuko, iniisip kung bakit sila humantong sa ganito at kung tama b ang naging mga desisyon niya. It was not too long after when she heard footsteps walking towards her. The footsteps stopped beside her and that’s when she looked up. “Y-Yui…” Yui just looked at her. “Sana pinakawalan mo nalang siya noong una pa lang. He doesn’t deserve to be cheated.” “Were you eavesdropping?” “I wouldn’t call it that dahil napadaan lang ako.” “Narinig mo lahat?” tanong muli ni Yanna Yui rolled her eyes. “Ano naman kung narinig ko? Di’ba tapos na kayo?” Yui took several steps but turned around right after passing by Yanna “Huwag kang mag-alala. Ako nang bahala sakaniya.”          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD