MEDYO Wholesome muna na update! HAHAHHAA
Na-miss ko kayo. Sana kayo rin, na-miss niyo sila Yanna at Louie ;p
[YANNA]
"Wake up you f*****g sleepyhead!" sigaw ko bago ihinagis ang cellphone sa kama. It's already 11 am and yet hindi parin nagre-reply si Louie. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan ngunit hindi parin niya ito sinasagot.
" MOBILE LEGENDS PA MORE!!! "
I typed every letter with rage. Paano ba naman kasi ever since nagkita ulit sila ng childhood best friend niyang si Eli ay naadik na siya sa Mobile Legends na yan. Minsan talaga ang sarap kurutin sa singit ng mga jowa natin kahit na mahal na mahal natin sila ano?
Padabog akong naglakad patungo sa kitchen ko para magprito ng itlog. Yes, hindi ako marunong magluto kaya gagawa nalang ako ng egg sandwich bilang breakfast. Yes, ulit dahil pasado alas-dos na ako mag-lunch. Ang sarap kayang matulog lalo na’t long weekend dahil sa Christmas holidays and also, Fiesta ng City namin.
Tanaw ang pool at ang sikat ng araw mula sa kitchen ko. Kung hindi niyo naitatanong, I live in a house designed by yours truly- ALONE. I like designing things mapa-damit man yan, bahay at iba pa so I also plan to take Fine Arts on college. Actually, gusto ko nan gang gumnawa ng sarili kong couture, fashion house and company. Alam ko namang walang magiging problema dahil susuportahan ako ng parents ko no matter what I do.
Siya nga pala, if you’re wondering on why I am living alone. My parents are divorced. They have their own families already and own children somewhere abroad. Hindi ko na sila kinokontact for family matters dahil okay lang sa akin. I mean, I grew up in states kaya na rin siguro hindi big deal sa akin yung mga ganitong issues. As long as they’re giving me my allowance and everything. I’m fine with it, masaya naman na ako sa buhay ko, I have an awesome boyfriend and amazing group of friends na tinuturing ko nang sisters and family. So I wouldn’t ask for more.
Matapos magluto ay naupo na ako sa sofa at in-on ang aking TV, as usual iisa lang ang laman ng mga balita. Ang dating scandal ng dream boy ng karamihan na si Rui Monteclaro. Hindi ako gaanong fan ng lalaking 'to and I haven't watched any of his shows pero I might say na ang gwapo naman kasi talaga niya.
* kring kring *
Pa-kagat na ako ng prinepare kong egg sandwich nang biglang tumunog ang phone ko. I rolled my eyes before picking up the call
"Oh?" bungad ko.
"Good morning honeybunch" bati sa'kin ni Louie sa kabilang linya na halatang inaantok pa.
"Morning" sagot ko sakanya.
"Hehehehehe. 'Wag ka nang magalit honeybunch" kahit na hindi ko siya nakikita ay alam na alam ko ang facial expression na nakaguhit sa gwapo niyang mukha ngayon. I'm pretty sure he's flashing his cutest smile right now pero buti nalang at 'di ko yun nakikita dahil kung hindi eh malamang hindi na ako magga-galit-galitan.
"Sus. Lambing ah, alam na alam na nagtatampo ako." pang-aasar ko pang lalo.
"Sorry na ngaaaa. Pleaseee~~" I can figure him pouting but I just rolled my eyes and kept quiet.
"Baby koo~"
"Love~"
"Honeybunch?"
"Cutie patootie?" I smiled but remained silent.
"Yanna babes?"
"My one and only love?"
"Asawa ko?"
"Mysweetsweetsugarpiehoneybabepumpkinoneandonlyloveofmylifepinaka-sexy sa buong mundo--"
"OO NA! Okay na! Hindi na ako galit." I interrupted him bago pa kung ano ang masabi niya. I heard him chuckle on the other line.
"Pinapatawad mo na ba ako baby loves?"
"Oo na nga. Pero kapag inulit mo pang magpuyat dahil sa ML na 'yan eh bahala ka na." pagbabanata ko.
"Oo na nga po master. Hindi na po mauulit."
"Fine."
"Anyways, what do you want for lunch?" tanong niya
"Nothing. Kumakain na ako ngayon."
"Egg Sandwich again?" he guessed rightly.
"As usual."
"What do you want to eat?"
"Bakit? Magdedeliver ka ba dito ng food?”
"Maybe~" he playfully answered.
"Nako Louie. Huwag mo nang tangkain. Napaka-traffic ngayon dahil sa Fiesta. Baka kinabukasan ka na makarating dito kung sakali.
"Tsk. Malas, bakit pa kasi may mga parade sa high way e. Pero sige bukas nalang ako pupunta diyan.”
"Good"
"But seriously what do you want?"
"If magpapa-deliver ka of course I want chicken wings and sushi hihihi"
"Ang pangit naman ng food combination mo Mahal."
"Eh sa 'yun ang kine-crave ko eh. Dali na pa-deliver ka na."
"Opo eto na, kino-contact ko na. Anyway, any plans for today?" he asked.
"Hmm" I looked outside my glass wall. "Swimming, I guess."
"Wag kang magsuot ng bikini." I raised a brow
"Why not?"
"Eh paano kung biglang dumating yung pagkain? Baka sunggaban ka nung delivery guy."
"Seriously?"
"Basta 'wag. Sa sexy mong 'yan sino ba namang 'di maakit."
"Masyado kang paranoid. Sige na, mag-lunch ka muna okay? Call you later mwah!" I ended the call right away dahil ayaw kong i-nag niya lang ako.
At dahil matigas ang ulo ko, I changed into a navy blue two piece before laying on my pool chair beside. I also hung a towel just in-case dumating na yung food na in-order ni Louie. Dahil medyo tirik pa ang araw kaya minabuti kong mag-scroll muna habang nakahiga sa gilid ng pool. Ayaw kong ma-sun burn no. After almost an hour of scrolling and browsing Louie chatted me.
Love: Food's on the way. What r u doing?
I smirked and sent him a photo of me in my bikini
"Nothing much, just chillin'"
After that, I connected my phone to a speaker, left it on shuffle sa spotify before leaving it and diving on the pool. Alam kong maiinis 'yon sa katigasan ng ulo ko. But well- he pissed me off first so bawi-bawian lang yan.
I would've sent him a nude photo kung hindi ako asar sakanya, kaso wala eh pinagpapalit ako sa online game. *pouts*
After 15 minutes, my phone rang so I swam towards it and picked up Louie's call. I thought he's gonna nag me dahil sa suot ko but then
"Nasaan ka na daw? Tinatawagan ako ng delivery boy kanina pa daw siya nagdo-doorbell pero walang sumasagot." tsaka ko lang na-realize na oo nga, may nagdo-doorbell. Hindi ko siguro narinig kanina dahil sa music.
"My bad, tell him I'll be there na." I hanged up the phone, grabbed the towel on the chair and ran towards the front gate but to my surprise there's no delivery boy on site.
"What the hell?" I uttered. I was about to close the gate when I realized na isang familiar na car ang nakatigil sa tapat ng bahay. I gasped when I realized na Louie was here so I immediately opened the gate to let him in.
"What are you doing here?- No I mean, paano ka nakapunta dito?" I asked ngunit tinignan niya lang ako from head to toe nang makababa siya ng sasakyan. After that he opened his truck, ibinaba ang napakaraming grocery bags at isa-isa itong ipinasok sa loob ng bahay.
"Love?" I asked while trying to catch up on his pace as he walked in and out of my house dahil nga sa dami ng mga pagkain at kung ano pang dala niya.
"Hey seriously? Hindi mo ba ako papansinin?" he picked the last two bags left and went inside my house. After that I closed the door dahil wala naman na siyang babalikan sa garage.
Naglakad ako papunta sakanya habang inaayos niya ang mga pagkain sa fridge.
"Helloooo!!!!!" I screamed at him but still, no pansin. He then went to my kitchen at inayos sa table ang mga biscuits na dala niya.
"Hey! Louie Marco Gui- hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilain palapit sakanya- his soft lips pressing against mine.
I was shooookt dahil napakatagal na rin nung huli kong naramdaman ang labi niyang nadampi sa akin at dahil sa gulat ko, hindi na ako nakapag-respond. I think he noticed that I was unprepared for his move so he smirked in between our kiss before biting my lower lip gently and sliding his tongue inside mine.
I gulped. bakit parang pinagpapawisan ako kahit napakapresko naman ng suot ko? Like supeeeer presko.
Maya-maya lang ay lumipat ang kamay niya sa bewang ko. My back straightened because of his warm fingers touching my waist. I placed both of my hands at the back of his head and we started kissing gently. He carried me and made me sit on top of my table, I wrapped one of my leg around his waist- pulling him closer.
"What the f**k are you wearing?" he asked. Ngumisi ako.
"Something you'd fantasize about" I winked. He rolled his eyes bago dahang umiling.
"You're so stubborn Yanna." he returned his gaze at me.
"and I know you like it" I grinned before tracing his chest using my pointing finger. He just smiled. It was therefore a sexy smile that made my heart pound.
Ang gwapo talaga ng nilalang na 'to.
Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa akin hanggang sa magdikit ang mga ilong namin. He rubbed the tip of his nose on mine. I shifted my look on his lips before I pecked on it.
"I love you" halos bulong ko nang sabi.
"I love you too" sagot niya. Alam kona ang mga susunod na mangyayari, at nakahanda na ako- actually kanina pa. I closed my eyes and waited for his lips to touch mine when his phone suddenly rang.
Iminulat ko ang mata ko. Akala ko hindi niya papansinin ang tawag ngunit nadismaya ako nang --
"It's Eli, sagutin ko lang 'to." I fake a smile and nodded before rolling my eyes heavenwards nang nasagot na niya ang tawag. Dahil sa inis ay dumiretso na ako sa pool at muli nalang naligo.
Eli is Louie's childhood best friend. Sobra silang close at magkadikit noong bata pa but then things suddenly changed when Eli entered showbiz. Hindi na sila madalas mag-usap noon, dahil nag-boom si Eli sa industry. Remember Rui? Yung nasa TV kanina? Eli's second to that guy when it comes to charts kaya sandamakmak na projects rin ang inaasikaso niya. I've met Eli in person maybe once or twice and he's a nice guy. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit magkaibigan sila ni Louie dahil iisa lang ang humor nila.
Lately nga lang madalas na silang mag-usap dahil may issue ring nagci-circulate kay Eli kaya naka-hiatus siya ngayon pero okay lang dahil ‘don mas nakakapag-catch up sila sa isa’t-isa. Of course, I want to be the supportive girlfriend kaya pinapabayaan ko, kahit nga madaling-araw na sila natatapos kakalaro ng ML eh okay parin.
Minsan lang naman kaya hinahayaan ko na. But- hindi ko parin mapigilang mainis minsan. Well sino ba namang hindi
"Tsk, kapag ako natutong mag-ML who you sila sakin." usal ko habang nagfo-floating sa pool.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Louie sa pool. I opened my eyes and I saw him flashing a pa-cute smile. Tanggal na rin ngayon ang glasses at shirt niya. Bahagya ko siyang hinampas ng tubig
"'Di mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo."
"Sorry na babe." he hugged me from the back, hindi ako umimik
"Yanna my loves~" he softened his voice before planting small kisses on my neck.
"Ano ba" I covered my neck using both of my hands.
"Love~" he kissed the side of my forehead
"I love you wag na galit please?" di ako umimik
"Hindi na mauulit promise." this time nilingon ko na siya
"Talaga?" he smiled with a mixture of hesitation ngunit tumango rin siya pagkatapos.
"Siguraduhin mo lang."
"Opo boss" he then pulled me into a hug and we enjoyed the pool for some time. Pagabi na rin nang matapos kami sa paliligo sa pool. We took separate baths dahil alam kong gusto niyang sabay kaming maligo. Pero dahil gusto ko siyang asarin, I insisted na huwag dahil wala ako sa mood. Hindi naman na siya nagreklamo after that.
Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan ko siya naka-higa sa kama habang busy sa pagpho-phone and as usual, ML nanaman.
Tsk. Linamon na ng Mobile legends. Tignan lang natin kung makakaya mo akong hindian mamaya. I rolled my eyes before talking to him.
"Love anong gusto mong kainin?" I asked him while drying my hair using a towel.
"Ikaw" I rolled my eyes. Sus!
"Loko" he signaled me to sit beside him and so I did. Inilapag niya ang phone niya with its screen facing the bed before pulling me in for a hug.
"I missed you." sabi niya before kissing my forehead.
"Me too" sumiksik ako sa dibdib niya and I made sure na may mararamdaman siyang melon. I rubbed my boobies against his chest pero siyempre- in a way na hindi niya mahahalatang sinasadya ko.
"So, what do you want me to cook for you?" tanong kong muli. This time, I teasingly ran my hand below his belly making him turn his head quickly on me.
"Yanna" he grinned.
"Yes Louieloves?" tanong ko before lowering my hand a little bit
"Sorry" he smiled cutely.
"Bakit?"
Agad niyang kinuha ang phone niya before drastically tapping something on the screen "MCL kasi, I can't quit here."
I bit my lip in angst. "Tsk." tumayo ako agad nang kama dahil sa inis. Lagi nalang ML!!!
I ended up cooking instant ramen for dinner. Bakit? Dahil nawalan na ako ng gana dahil sa kaka-ML ni Louie. I ate alone in the kitchen dahil gusto kong iparamdam sakanya na naiinis na ako nang sobra.
After eating, I spent the whole-time watching TV while scrolling on my phone dahil nga ayaw ko siyang makita. It was already past 11 when I decided na tumaas na sa room but to my surprise- tulog na si loko -_-
He was hugging my bolster with his phone beside him. Sa sobra sigurong antok niya, ni hindi na niya na-exit ang app at hindi na rin siya kumain ng dinner.
I stared at his sleeping face before throwing a punch in the air "Grr! Adik!" I mumbled.
Inaantok na ako pero the lights coming from his phone caught my eye.
"Ano ba kasing meron ka at adik na adik sa'yo to ha?" parang engot na tanong ko sa phone niya. I picked it up. On display is "rank" so I clicked it and clicked start.
Maya maya lang ay may biglang nag-appear na sampung pictures sa screen. I clicked enter and after a while ay lumabas na ang team mates ko I think?
Please ban a hero
hideonthebush: Ban Claude (Marksman)
marcosparinmgaulol: Ban Helcurt (Assassin)
HindiAkoDDS: afk pa nga malas naman
3, 2, 1
the enemy is banning
mindinredroom: bobo naman neto
"Ha? Anong bobo? Paano ba kasi to?" I glared at the sleeping Louie beside me.
"Eto na 'yon? Yung pinagaaksayahan mo ng oras?" after that, the other team and my team picked heroes na hindi ko alam kung ano
nung turn ko na ay panay chat nanaman sila
hideonthebush: We need a Tank
mindinredroom: I recommend Khufra (Tank)
HindiAkoDDS: Hoy tank ka
"Pakshet naman paano ba to?" the timer appeared and I picked the first hero that I saw
Layla
HindiAkoDDS: Ampota
mindinredroom: sure loss na malas sa kakampi
12:57 a.m
Apat na sunod sunod na defeat ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit pero everytime na naglalaro ako ay palaging lumalabas sa screen and mga salitang concedes defeat.
Halo mag-a-alas kwatro na nang umaga nang tumigil ako sa paglalaro dahil, nanalo na ako for the first time.
Hindi ko magets pero biglang nababawasan yung star tapos puno nanaman, tapos mauubos ulit. Siguro lives yon, so baka unli-life si Louie.
Bago matulog ay, inilagay ko ang phone niya sa bedside table. Chinarge ko na rin para hindi siya magalit kinabukasan. Medyo natututo na akong gumamit nung Layla kaya hindi na ako makapaghintay na ikwento kay Louie na nag-practice ko.
For now, matutulog na ako dahil inaantok na ako .
[LOUIE'S POV]
"Putangina." halos pabulong kong sambit pagkakita ko sa message ni Eli sa messenger.
Napasulyap ako sa napakagandang babae sa tabi ko habang mahimbing siyang natutulog. I looked back my phone, at balik nanama sakanya before covering my eyes with both of my hands.
Hindi ko inakala na napakabilis palang mag-rank down sa ml. Kakasimula lamang ng season at nalaglag ako sa Epic, pero ngayon Master III nalang ako.
Hindi ko alam ang mararamdaman kaya bumalik nalang ako sa kama, at pumikit. Humihiling na sana isa lang 'tong bangungot.
Tangina kasi pati dias ko naubos.
[YANNA]
Pasado alas-12 na nang magising ako, nakapagtataka pero Louie's not on the other side of the bed anymore. I checked his phone and opened ML instantly. Hindi pa gaano gising ang diwa ko kaya gusto ko munang magpawala ng antok bago ako bumangon.
I played the same thing again called Rank and this time hindi na ito boring dahil marami na akong damit na pagpipilian. I bought all of Layla's dresses dahil ang gaganda nila maliban sa green flash dahil nabili na 'yon ni Louie. I never thought that ml was all about dressing up!
Ang cute parang y8 lang!!!
After that, we lost. So, I entered another match. Unfortunately, Louie showed up out of nowhere and he hurriedly snatched his phone away from me.
"What?" I asked. Hindi niya ako sinagot. He looked on his phone instead and spoke..
"what the duck." hindi maipaliwanagang expression sa mukha niya
"Amina Love maglalaro ako" saad ko habang inaabot ang phone
"Eto na 'yon?" tanong niya habang nakatingin parin sa screen
"Ang alin?" tanong ko rin pabalik. Para siyang naubusan ng energy at inabot nalang niya sakin ang phone pabalik bago nahiga sa tabi ko. Nakatingin lang siya sakin in a blank way so I kissed him on the cheek before ako nag-pick ulit kay Layla.
Ang dami paring nagchachat ng "bobo" pero okay lang. Alam ko naman sa sarili kong magaling ako wahahahahah!!!
This time yung Canon and Roses naman yung dress na pinili ko. Ang cute kasi, para siyang bride.
"Dias ko..." rinig kong bulong ni Louie.
"Ano yung dias Love?" tanong ko sakanya. Napailing nalang siya bago bahagyang ginulo ang buhok ko.
The holidays and fiesta flew so fast. Mas madalas kasi kaming nagsi-swimming, nagluluto at naglalaro ng ML simula gabi hanggang madaling araw at ngayon-ngayon ko lang rin narealize kung bakit adik na adik si Louie dito.
Gumawa na rin ako ng account ko and now, Epic na ako! Bwahahahahahahha! Si Louie naman, Mythical Glory na kaya hindi pa kami pwedeng maglaro sa rank pero dibale. Konti nalang.
Sunday night came and ngayon ko lang na-realize na sobrang haba pala ng panahon na halos sa bahay lang kami namalagi. Naubos na rin yung grocery na dinala ni Louie dahil kain kami nang kain.
Ngayon, nakaayos na rin si Louie at ready nang umalis dahil nga pasukan nanaman bukas. Balik nanaman kami sa dati.
“Ingat ka love.” sabi ko sakanya habang nakapulopot sa bewang niya. He kissed my forehead and smiled.
“Opo Mahal. Ikaw rin, wag puro egg sandwich lang ang kakainin mo. Baka mamaya mamayat ka. Hindi ko yun gustong mangyari.” lumayo ako nang bahagya sakanya while pouting.
“If you want me to eat healthy then why don’t you just stay here?” tanong ko.
“You know that I can’t Love, walang mag-aalaga kay Mason. Pero pagkabalik nila mommy from States dito na ako uuwi.” sagot niya. Well, Mason is his youngest and only sister. Currenty, nasa 7th grade palang ito so given nang hindi pa neto kayang mag-isa. Ang malas lang rin dahil off ng mga maids nila at nataon pa ang honeymoon trip nila tito at tita sa States kaya walang makakasama si Mason. Pati kasi si Ate Lara, grinab ang pagkakataon na matagal na off para mag-out of town kasama ang bago niyang boyfriend. Buti na nga lang at may mga friends si Mason na naki-sleep over sa bahay nila kaya nakalayas si Louie ngayon fiesta.
I pouted and nodded. Naiintindihan ko naman. I just find it sad na uuwi na siya at mag-isa nanaman akong matutulog ngayong gabi.
Iba kasi yung lungkot kapag naranasan mo nang makasama yung taong mahal mo sa isang bahay tapos bigla ka nanamang babalik sa pagiging mag-isa. Nakaka-miss, nakakaloka.
“Sige na love, I gotta go. Baka abutan pa ako ng rush hour maaga pa tayo bukas.” he pecked on my lips before he opened the door of his car ngunit hindi palang siya nakakapasok ay nag-ring na ang phone niya. Sinilip ko ‘yon ang I saw Tita Macie calling. Louie Answered the video call.
“Hey mom.” bati niya.
“Hello Yanna, anak!” I waved back at Tita Macie.
“Grabe ka naman ma, ‘di mo man lang ako pinansin.” Singit ni Louie
“Hehehe! Sorry! Mas namiss ko kasi si Yanna” Bumelat ako kay Louie.
“By the way, nakauwi na kami ng dad mo ngayong gabi. So, if you’re thinking of coming home dahil walang makakasama si Mason, you don’t need to worry na.” said Tita Macie.
“Alam naman naming mag-isa lang si Yanna diyan kaya mas mabuti pang samahan mo nalang muna siya para ligtas siya jan. Atsaka, its time na rin naman para magkaroon na ako ng apo na aalagaan.” I blushed with what tita Macie said.
“Ano ba yan Ma, ‘wag mo ngang prine-pressure sila kuya.- Hi ate Yanna Merry Christmas!” biglang sumingit si Mason sa screen.
“Hello Mason!!! I miss you, dalaw ka dito minsan. Mag-swimming tayo!”
“Sure ate! Wag kang makikinig dito kay mommy, masyado lang talaga siyang obsessed sa babies!!” komento niya.
“Bakit? Nasa tamang age naman na sila para magkaroon ng pamilya.” I saw tito Larco wave sa likod. I smiled dahil pareho lang sila ni tita na gustong gusto na ng apo.
“Ang galing, parang hindi niya ako kakilala ha. Edi sana kay Yanna nalang kayo tumawag.” komento ni Louie nang pabiro dahil walang pumapansin sakaniya. Natawa nalang din kami dito.
“Oh sige na magdi-dinner na kami. You can drop by here anytime mga anak ha! Byeeee and Merry Christmas to the both of you!” pagpapaalam ni Tita Macie bago in-end ang tawag.
“Yes!” I exclaimed dahil hindi na kailangan umuwi ni Louie. Kinuha namin ang mga gamit niya sa likod ng sasakyan.
“Oh ano tara na?” tanong niya sa akin
“Ha? Saan tayo pupunta?” tanong ko rin. Ibinaba niya ang likod ng sasakyan bago nagsalitang muli.
“Gagawa ng baby?” nakangisi si loko.
“Loko ka talaga! Ayaw ko nga!”
“Sige na love” pataas-baba pa ang mga kilay neto.
“Che bahala ka nga jan.” nauna na akong naglakad.
“Oy hintay!” pasigaw nitong sabi mula sa likod.
“Heh! Bahala ka jan!”
“Sige na kase!” nagsisigawan kaming nag-uusap habang papasok sa loob ng bahay.
“Neknek mo hahaha!” we were laughing unaware of what tomorrow will bring. Pero ganon naman talaga di’ba? We just have to live in the moment and treasure every second na kasama ang mga mahal natin sa buhay.
I just love the fact the I’ll be celebrating my first ever Christmas, finally with the love of my life