"Kung matutulala ka lang diyan, umuwi nalang tayo. I need to do something else and that is more important than this, Lorena." Ramdam na ramdam ko ang pagdiin sa pagkasabi niya nang more important. I know na naiinip na siya sa kahihintay pero, sasayangin ko ba 'tong pagkakataon na 'to?
Sumulyap muna ako sa kaniya bago muli ibalik ang tingin kay Lean na gwapo kong crush.
"Teka lang. Matatapos na rin naman sila e. Sayang 'to." Kalmado kong sabi. Ayokong sabayan ang inis niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"I will not say anything naman kung you'll do something else other than staring at him like you don't saw him hours ago. At anong sayang ba? Halos araw-araw naman nating nakikita 'yan. Mas sayang if wala kang gagawin." Napakamot nalang ako sa ulo ko. Alam ko naman yun e. 'Wag nalang niya sanang ipamukha sa akin na hanggang tingin lang ako.
"Oo na! Oo na! Parang hindi ka naman kapatid e. Mabilis lang naman 'to. At kinakabahan kaya ako baka kapag nilapitan ko siya ay baka sumugod sa akin si Flora." Palusot ko nalang. Napailing nalang siya at sumandal muli sa upuan at nanood nalang sa mga napa-practice.
Natawa nalang ako sa isip ko. Alam ko namang wala na aiyang magagawa dahil matigas ang ulo ko. Ang totoo nga niyan ay hindi talaga iyon ang pinaka-dahilan kung bakit ayokong lapitan si Leonardo. Natatakot kasi akong ma-reject, mapahiya at masaktan. Ayoko nga no'n.
Muntik na akong mapasigaw at mapatalon mula sa kinauupuan ko when the ball perfectly shoots on the ring. Ang galing talaga ng bb ko.
Kung hindi ko lang talaga kapatid at Ate ko ito ay baka naitulak ko na siya. Nakakainis naman kasi e, tumawa talaga siya na parang siya ang kontrabida sa buhay ko. Kahit sana pinigilan nalang niya. Nahihiya tuloy akong napayuko dahil pinagtitinginan na kami.
"You can't even jump. Kahit ayon ay pinigilan mo pa? Crush mo ba talaga?" Irap niya sa akin. Ewan ko kung iniinsulto niya ba ako ano.
"Hindi porket crush ko siya ibig sabihin nun gusto ko na siya maging jowa 'no!" Naiinis kog sabi. Totoo naman kasi yun.
Kung crush, hanggang crush lang. At hanggang doon lang dahil ayokong ilevel-up.
Napailing-iling siyang sumandal sa upuan habang nakatingin sa akin. Nakalagay na rin sa lap niya ang librong kani pa binabasa. Halata ko nga na hindi siya naniniwala. Bakit ba ayaw nlang maniwala na hanggang crush ang?
Gusto kong magka-crush pero ayokong magjowa.
Mahirap bang intindihin yun? Wala akong paki if magkagirlfriend na siya diyan at kahit harap-harapan pa silang maglambingan sa harap ko ay hindi ako masasaktan. Hanggang crush lang ako. Sila lang naman ang hindi naniniwala sa akin.
"Whatever, Lorena." Saad niya nang walang masabi. Hinampas ko siya sa braso kaya nkatanggap ako nang masamang tingin mula sa kaniya.
"Don't call me Lorena!" Inis ko.
"Don't shout at me." Napahilamos nalang ako nang mukha sa inis.
Nasaan na ba kasi si Aureya? Nakakaloko kasama si Ate mo Threaia. Gustong-gusto talaga akong iniinis lagi. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakulong kami sa isang kwarto na magksama, baka mabaliw na ako nun dahil sa kaniya.
"Lore!" Tawag sa akin nang kung sino. Hinanap ko ang boses na yun at nakita si Coach Eren na kumakaway sa akin. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. I consciously look at my Ate. Ngumiwi muna siya sa akin bago tumango.
Bigla akong kinabahan nang makita silang lahat na nakatingin sa akin. Muntik na tuloy akong madapa nang makita ko siya na nakatingin rin sa direksiyon ko. Napayuko tuloy ako at mas binilisapa ang lakad. Ang kapal-kapal ng mukha ko kanina tingnan siya pero ngayon muntik na akong madapa dahil sa tingin niya.
Kung hindi ko lang talaga siya crush ih.
"Lore, pwede bang pabili?" Tanong aad ni Coach nang makalapit ako. Mukha ba akong tindera, Coach?
At dahil nga mabait ako ay tumango agad ako kahit hindi ko pa alam kung ano ag ipapabili niya. Tango bago tanong. "Ano yung, Coach?" Magalang kong tanong.
Napangiti naman siya nang malaki. "Pwede bang bumili ka nang tubig sa canteen? Mga alaga ko kasi naubusan ng tubig kakainom."
"Siyempre, Coach! Pagod kaya kami. Baka nasa ospital na kami kapag hindi pa kmi uminom nang tubig." Sigaw nang isa sa mga players. Tama ka diyan number 18 pero kasi kung alam niyo naman palang mapapagod kayo nang husto bakit hindi pa kayo nagdala nang maraming tubig para hindi na ako mautusan? Kasalanan mo 'to number eighteen.
Hindi siya pinansin ni coach Eren at nagsalita nalang muli. "'Wag ka nang magalall sa bayad at kapag tinanong ka sabihin mo pinapautos ko sa'yo. Ako nang bahala kay Resa."
Nagulat ako sa biglang pagbago nang tono niya. Parang kinikilig si Coach noong banggitin niya ang pangalan ni Ate Resa. Muntik nang malaglag ang panga ko dahil malapad na rin ang ngiti niya.
Pero noong napansin niya ang reaksyo ko at ang ginawa niya ay biglang nagbago ag istura niya. From wide smile turn into a expressionless. I'm so sorry, Coach. But I want to laugh. That's epic!
"Sige na. Umalis ka na. Bilisan mo." He said in monotone. That was... fast.
Tumango nalang ako at tumakbo. Nang makalabas ako ng court ay binagalan ko an paglalakad. Maguutos na nga ang demanding pa. Hay, kasalanan mo talaga ito number eighteen.
Nang makarating ako sa cafeteria ay binigyan agad ako ni Ate Resa nang isang cooler. Nagtaka pa nga ako kaya binuksan ko muna iyon. Mga bottled waters. Pinaalis niya agad ako kaya naman nagmamadali akong umalis. Baka masungitan pa ako.
Ayoko na nga ulit masungitan ni Ate Resa. Hindi man sobrang nakakatakot katulad nang kay Threaia pero yung kay Ate Resa ay sapat na para matakot ka... na mapahiya. Hindi ko talaga makakalimutan ang pagsungit niya sa amin ni Aureya at Kendy.
Hindi ko inaasahan na mabigat pala ito. Hindi ko maintindihan si Coach, pwede naman siya na ang kumuha or tawagan nalang niya si Ate Resa tutal mukhang close naman sila. Ako pa talaga yung nahirapan e tahimik ko lang naman pinapanood si Leonardo.
Tumigil muna ako sandali dahil kung hindi ay nahimatay na ako bago ako makarating doon. Ang init pa naman ngayon.
"Lore!" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Napapansin kong maraming tumatawag sa akin ngayon, kahit kanina sa room ay napagalitan yung isa kong classmate dahil sinigaw niya pangalan ko. Buti nga at pinagalitan dahil alam kong manghihingi lang yun nang sagot.
"Uy, Eian. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na nagtataka. Napakamot siya sa ulo niya tla nahihiya.
"Ah," Sabi niya at tumawa. "Itatanong ko lang sana kung nandiyan si Aureya. Hindi kasi nagrereply sa messages ko e kaya pinuntahan ko nalang dito sa school." Nahihiya niyang paliwanang.
Natawa naman ako. At talagang nakalusot pa siya ah. Basta talaga si Aureya e.
"Talaga? Si Aureya talaga, baka nalowbat lang naman. Pero kasi, wala siya dito e." Sagot ko. Mukhang naguluhan naman siya. "Pumunta ata doon sa dati nilang bahay... doon sa bukid ba 'yon? Sabi niya sa amin. Absent siya ngayon hanggang sa nineteen. Apat na araw siya doon." Paliwanag ko pero mukhang lalong kumunot ang noo niya.
"Bakit daw?"
"Aba, malay ko doon. Basta nagpaalam lag siya sa amin. 'Wag kang magalala, babalikan ka naman nun e. Pero kung hindi mo na talaga kaya at parang mababaliw ka na dahil hindi mo siya makita pwede mo naman siyang puntahan." Tawa ko sa kaniya.
Nagsabi siya sa amin na pupunta daw siya muna sa dati nilang bahay. Hindi naman ami tumutol pa dahil alam namin na namimiss niya yung pamilya niya. Doon daw muna siya matutulog kaya tinulungan ko siyang magimpake. Parang tuloy pupunta siya sa ibang bansa.
Hindi ko nga maintindihan itong dalawang 'to. Parang mag-jowa pero sabi bestfriend lang daw. Uso pala talaga yun, 'no? Paano nalang kayo kung nagkagusto sila sa isa't-isa. Hhindi ko maiwasan matawa sa isip ko. Ano kaya ang isang Aureya kapag nagkagusto?
"Sige ba." Pagsakay niya at natawa rin. Napatingin siya sa cooler na binitawan ko muna. "Kailangan mo nang tulong?" Tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko at tarantang binuhat ang cooler. Muntik pa akong mawalan nang balanse at masubsob sa sahig. Kinabahan ako doon ah. Bumilis pa ang t***k nang puso ko pero wala pa ring tatalo sa bilis ng t***k ng puso ko kapag nandiyan si Leandro.
"Hindi... ako na. Baka makaistorbo pa ako sa'yo." Sabi ko at ibinaba muna muli ang cooler para balansehin ko ang sarili ko.
"Ah ganun? Sige--"
"Hindi pala, medyo mabigat nga talaga. Kailangan ko nga nang tulong mo." Putol ko agad sa kaniya. Ang bilis naman niyang kausap. Tumango nalang siya at siya na ang nagbuhat ang mabigat a cooler na 'yon.
Nagpapasalamat talaga ako na pumunta siya dito at nakita ako.
"Dito nalang, E. Thank you." Saad ko. Ang bilis talga niyang kausap dahil ibinaba niya agad. Okay lang naman. Mukha ngang hindi pa siya napagod dahil ni hindi man lang siya hiningal. Sabagay, malakas rin itong si Eian. Lalo na kay Aureya. "At sasabihin ko nalang kay Auri na imessage ka niya." Sabi ko pra naman mabawasan ang pagaalala niya. Kinakabahan kasi ako na baka biglang sumugod yun doon e malayo yun at aabutin pa siya nang gabi.
Ngumiti lang siya at tumango. Kumaway muna ako sa kaniya bago lumapit sa mga basketball players. Nang makalapit ako ay aagd silang nagkumpulan sa puwesto ko. Nataranta ako at biglang napaatras nang biglang sumikip ang puwesto ko. Mas lalo pa akog nataranta nang biglang may tumama sa likod ko kaya agad akong napalingon doon.
Biglang bumilis ang t***k nang puso ko nang makilala kung sino iyon. Natataranta n nga ako tapos ms lalo pa akong matataranta nang dahil sa nasa likod ko?
Nakatingin siya sa akin na para bang may ginawa akong mali. Napakagat tuloy ako sa labi ko at umiwas nang tingin nang maramdaman kong uminit ang pisngi ko. Kalmahan mo lang, Lore. 'Wag kang kikiligin sa kaniya. Wala siya sa harap mo, nasa likod mo siya.
Si Leandro lang 'yan. Crush mo lang 'yan. Hindi ka kikiligin diyan. Isa lang siyang tao. Pero gwapo.
"Excuse me." Nanigas ko sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya.
Ang ganda.
"I said, excuse me." Ulit niya muli. Agad naman akong tumabi nang ma-realize na nakaharang pala ako sa kaniya. Kumuha siya nang mineral umalis sa mga nagkukumpulan. Sinundan ko siya nang tingin.
Napalunok ako habang pinapanood siya kung paano niya inumin ang tubig niya. Ang gwapo niya. Hindi ko alam kung suwerte ba ako na naging crush ko siya dahil tuwing malapit siya sa akin o nakikita ko siya ay kinikilig ako na ewan.
Tingnan mo nga naman, ang hot niya sa paningin ko habang umiinom. Ibang-iba siya sa mga naging crushes ko dati. Kinikilig agad ako sa kaniya.
"He's just drinking water but look at you. Drooling over him." Someone said with a British accent. "Right, Lorena?"
Threaia said while holding her book she was reading earlier. Nakatingin siya sa mga basketball players na umiinom rin nang tubig. Namula naman ako.
"Crush ko lang naman siya. Wala nang hihigit pa doon." I said.
"If you say so." Kibit-balikat niya.
"Ano? Edi ang lucky mo naman pala kanina." Malakas na sabi ni Kendy na halatang kagagaling lang isa na namang date. Nakadapa siya sa kamangyon at hindi na nakapagpalit nang damit dahil gusto niya munang makipag-chismis.
Nakaupo naman ako sa maliit na couch sa kwarto niya. Talagang pinuntahan ko siya pagkabalik niya dahil excited na akong ikuwento sa kaniya ang nangyari. Busy kasi yung iba at yung iba ay umalis. Si Ken nalang ang last resort ko.
"Hindi nga e." Sabi ko at ngumuso. "Tiningnan niya kasi ako namg masama." Nalulungkot kong saad.
"Tanga mo kasi, e. Ayaw atang paharang-harang ka. Tapos hindi ka man lang nag-sorry." Natatawa pa talaga siya. Parang hindi ko siya kaibigan. Gusto kong umiyak. Huhu.
"Ayun na nga e. Saka ko lang narealize nung nagdadrive na si Threaia. Muntik na nga ako umiyak." Biro ko kahit malungkot sa nangyari.
Umayos siya nang upo at naniningkit na tumingin sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay. "Alam mo parang hindi kayo magkapatid. Hindi ko nga narinig na tinawag mo siyang Ate kahit man lang madulas ka. As in wala talaga."
Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagiba niya ng topic. "Hindi naman required."
"Ay gano'n pala." Sabi niya lang. Lalong kumunot ang noo ko. "Anyway, kung gusto mo nang magka-jowa, irererto kita sa kaibigan ng ka-date ko kanina. Isesend ko a'yo mamaya yung number."
"Huh? Pero may crush na ako, Ken." Sabi ko.
Inirapan niya ako na para bang ang tanga ko sa sinabi ko. Totonaman ah. May crush na ako.
"Hindi naman required na isa lang magiging crush mo. Siyempre, kapag hindi ka pinapansin hanap ka ulit nang bago. Para happy." Malaki ang ngiti niya habang sinasabi iyon. Proud na proud pa talaga siya.
"Pinansin niya na kaya ako kanina." Saad ko agad.
"Dahil paharang-harang ka." Dahilan niya nman agad. "Hindi ka papansinin nun kahit umutot ka pa sa harap niya." Nangaasar siya.
Agad kong binato sa kaniya ng throw pillow habang tumatawa siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Palibhasa napakaraming lalaki e. Ang kapal talaga ng mukha nito dahil nakapagdate na.
Tumigil na siya sa kakatawa. Medyo maluha-luha pa siya dahil sa kakatwa habang ako nandito tinitingnan siya habang nakasimangot. "Pero seryoso, Lore. Kahit walang label kayo basta happy ka."
"Asa." Naiinis kong sagot.
"'Kay na yun, kaysa naman sa crush mong hindi ka pinapansin." Pilit niya pa in. Napabuntong hininga nalang ako dahil kukutin na naman ako. Tumayo nalang ako at mabilis na lumabas sa kuwarto niya.
Basta ang alam ko, crush ko si Leandro.