Maruem Umahon na ako mula sa bath tub. Basang-basa ang aking suot kaya napamura naman ako. Tagaktak ang tubig mula sa aking katawan. May ilang minuto lamang ako para makalabas sa kwartong ito. Madilim ang paligid, may sulo sa bawat panabi. May lamesa naman akong nakita sa may gilid ng pinto kaya naglakad ako papalapit dito. May nakapatong na isang salamin sa lamesa at tatlong susi. Mukhang gagamitin ko ito para sa palapag na ito. Agad ko namang sinuot ang salamin at napahanga ako. Ngayon lamang ako nakasubok ng salamin na mayroong night vision lenses. Kitang-kita ko ang kwarto kahit madilim. Tumunog ang susi nang ilagay ko ito sa aking bulsa. Tumunog naman ang kwarto dahil hindi ko namalayang limang minuto na pala ang nakalipas. Umaalog ito at parang lumilindol. Nang bumukas ang pinto a

