Hariette's POV Dahil maaga akong nakapagpahinga kahapon ay maaga din akong nagising ngayon. Ang ganda ng gising ko kaya naman naisipan kong pumunta sa may park, bibili kasi ako ng bulaklak doon. Bulaklak para sa pinakamamahal kong Tutor. Desperada akong ligawan siya eh, napakapakipot naman kasi ng lalaking 'yun kaya heto't ako na lang ang manliligaw. Buti na lang at maagang nagbubukas ang flower shop malapit dito sa park kaya naman namili na ko. Bumili ako ng isang bouquet of roses. Inamoy ko pa 'yun, "Ang bango siguradong magugustuhan niya ito." Napangiti ako, iniimagine ko na kasi kung ano ang itsura ni Mr. Tocson kapag nakita niya ito. Masaya akong naglakad pabalik, nagjogging na din ako para exercise pero dahil sa mabilis ako mapagod ay hiningal ako pagdating sa bahay. "Where ha

