Kean’s POV Gusto ko sanang sundan si Hariette pero naisip kong kailangan din siguro namin magkausap ni kuya, sumosobra na talaga siya at hindi ko na talaga makakaya pang tumingin na lang. Agad akong pumasok sa bahay at pinuntahan siya sa kwarto niya. “Kuya! Kuya! Buksan mo ang pinto!” sunod-sunod ang ginawa kong pagkatok. Maya-maya lang ay binuksan na niya ang pinto. “Bakit ba ang ingay mo? Anong problema mo?” tanong nito. “Anong problema ko o ano nga bang problema mo? Why are you so damn cruel?” galit kong tanong sa kanya, naaalala ko kasi 'yong mukha ni Hariette kanina, sobrang nasaktan talaga siya. “Ano bang pinagsasasabi mo?” “You know what I am talking about!” “Is this about Hariette? You have no idea kung anong ginawa niya kaya wala kang karapatang sugurin ako dito at sumigaw

