Hariette's POV Napapangiti ako habang naglalakad papasok sa pinto ng bahay, napatigil ako nang makita kung sino ang naghihintay sa akin. Nako, patay! Nakasimangot siya. Galit kaya? tanong ko sa isip ko. Sa pagkataranta ko ay napangiti lang ako sa kanya sabay, "H-hello!" awkward akong tumingin sa kanya. Sana ay hindi siya magalit, please. Nag-cross-fingers pa ako sa likod ko. "You're late," iyon pa lang ang sinasabi niya pero para na akong hihimatayin, ramdam na ramdam ko kasi ang masamang aura niya. Nakakatakot! Bakit siya ganyan? "A-ah...ahm nag-jogging kasi ako. Hehe!" dahilan ko sa kanya dahil hindi ko alam kung nakita niya si Kean. "A-akyat lang ako." pahabol ko pa. Ayoko na marinig pa ang sagot niya kasi baka bungangaan niya lang ako. Kaya nagmadali akong maglakad papunta sa may h

