Hariette's POV Naramdaman ko na lang ang daliri ni Mr. Tocson sa labi ko. Nakanguso kasi ako. Nakakahiya! Kanina pa pala tapos ang masarap na halik na iyon sa pisngi ko at nag-i-imagine naman ako na hahalikan niya rin ako sa mga labi ko. "Tama na, nagustuhan mo naman. Masyado kang nagpapahalatang gustong-gusto mo ako," sabi niya at napailing-iling dahil sa akin. "K-kasi...binigla mo ako," napayuko na lang ako sa hiya ko. Kasalanan naman kasi niya. "Naniniwala ka na ba o gusto mo pang kurutin kita?" tanong niya. "Hmm..." nagisip muna ako ng matagal bago ako sumagot, "Okay, pakikurot naman ako baka kasi mamaya ay panaginip pa rin ito," seryoso kong sabi sa kanya. Napatawa na lang siya bigla as in tawang-tawa talaga siya sa sinabi ko. Napahawak pa nga siya sa tiyan niya sa sobrang tawa

