Chapter 58

1077 Words

Hariette's POV Pagkatapos namin kumain ng breakfast sa isang restaurant ay naglakad lakad kami ulit. Iba talaga 'yung pakiramdam kapag naglalakad ka ng kasama ang mahal mo. Ang problema lang, hindi man lang hawakan ng lalaking ito 'yung kamay ko. Hindi ba siya nanunuod ng korean dramas or teleserye or kahit na anong palabas? Hindi ba niya alam na dapat sa oras na ito eh, hinahawakan na niya 'yung kamay ko habang naglalakad kami? Nakakaloka! Hay! Wala man lang ka-romance romance sa katawan! Kailangan pa ba na ako lagi ang gagawa ng first move? Hello, ako kaya ang babae dito! Kainis! Lumapit ako ng bahagya sa kanya, at tsaka ko hinawakan 'yung kamay niya. Naramdaman ko ang gulat niya sa ginawa ko, but who cares. Ang bagal bagal niya eh! Pagong! "Bili tayo ng ice cream." aya ko sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD