Nagising ako na wala sa tabi ko si Win bumangon kaagad ako ang sakit ng ulo ko! Inayos ko ang hinigaan ko at tinabi sa bag ko bago ako lumabas bumungad sa akin ang dalawang kaibigan ko na may gustong sabihin. "Bakit parang may gusto kayong sabihin sa akin?" tanong ko sa dalawang kaibigan ko at tinulak nila ako ulit sa loob ng tent. Aangal sana ako nang magsalita si Chana at Mike ng sabay. "Sinabi mo kay Win ang totoo mong nararamdaman sa kanya!" magka-sabay nilang sambit kaya hindi ko naintindihan inulit ko pa sa kanila bago ko naunawaan. Pinag-tutulak ko silang dalawa sa loob ng tent. "Ano?! Ano pa ang sinabi ko sa harapan niya?" tanong ko sa kanila at sinabi nila sa akin. "Buking ka na! Alam nila na nagpapanggap lang kayo pero sa ibang schoolmate natin hindi kundi kinilig pa sila

