"Ging..." narinig kong tawag ng boses napatingin tuloy ako sa likuran ko nakita ng mata ko si Thana nakatayo at naka-titig sa akin. Humarap naman ako at nailang ako sa pag-tingin niya sa akin huminga na lang ako. "Ako ba ang sadya mo o sila?" tanong ko sa kaibigan ni Win naging kaibigan ko din. Nakita ko ang pag-lingon niya sa condo ni Win at nung Light. Binalik niya ang tingin sa akin bago siya magsalita nakita ko na may emosyon akong nakita sa mata niya. "Wala naman sila dyan, Ging ikaw ang sadya ko," wika ni Thana sa akin inalok ko siyang pumasok sa loob ng condo ko. Alam kong alam niya na may anak kaming dalawa ni Win dahil inamin ito sa event kung saan nandun sila kasama ang iba pa nilang kaibigan. Sumunod siya sa akin inalok ko siyang uminom at sinabi niyang tubig lang. "Busog

