The Secret Wife's Temptation Abby rushed to the hospital yesterday. Malubha ang lagay niya dahil daw sa tama ng baril. Iyon ang laman ng text message na natanggap ni Reverie kinabukasan nang siya ay mag-isang magising sa unit niya. Ang mensahe ay mula sa kaibigan niyang si Elfie na lubhang nagpabulabog sa katauhan niya. Nanghihina pa man ang katawan niya ay walang sabi-sabi pa rin niyang tinungo ang tinukoy na ospital ni Elfie na kinaroroonan 'di umano ni Abigail. Hirap na hirap siyang paniwalaan ang masamang balitang hatid ni Elfie sa araw na iyon. Umaasa siyang isang hindi nakakatuwang prank lamang iyon subalit nanginig ang buong katawan ni Reverie nang masaksihan mismo ng sarili niyang mga mata ang sinapit ng kanyang pinsan na si Abigail. Malala ang lagay nito ayon sa impormasy

