Chapter 17 Nagising si Pearce sa kanyang kwarto at walang sabi-sabi na bumangon agad sa kanyang kama, dumiretso sa CR para mag-ayos, nagbihis at pagkatapos… tumayo muna sa harap ng kanyang pinto. Tumitig nga muna siya rito at unti-unting binaba ang kanyang tingin sa door knob. Hindi natin masabi kung ano ba talaga ang iniisip ng lalaking ito dahil napapatitig muna siya sa mga bagay-bagay… bago niya hawakan ang door knob at inikot ito para bumukas. Pagkabukas niya nito, may agad sumalubong sa kanya. Napatingin pa nga siya sa kaharap niyang babae. “Magandang umaga Pearce,” at instead na masayang ngiti ang binibigay sa kanya, nakasuot ng ngisi si Elesa sa kanya. Binalikan lang siya ng blankong mukha ni Pearce at sinara rin ang pinto. Dapat magugulat siya kung bakit ang babaeng ito ang na

