Chapter 15 Pagkagising ni Pearce, agad naman siyang napabangon at pumunta agad sa kanyang CR para mag-ayos at magpalit. Hindi niya nga alam kung bakit kahit hindi halata sa mukha niya, nasa good mood siya ngayon. Alam niya naman ang susunod na cabin na pupuntahan niya dahil dumating siya kahapon sa kwarto niya para ipaalam sa kanya. Sakto pagkasuot niya ng chaleco niya, Knock, knock. Bahagya siyang nagulat at inayos muna ang dapat ayusin sa sarili bago niya naisipang buksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang taong metal. “Uhm… go-good morning Pearce,” nautal pa nitong bati at nagbow pa sa harap niya. Dapat magugulat si Pearce sa inaasta ng prinsesang nasa harap niya dahil wala siyang karapatan na gawin yun… pero hinayaan niya na lang dahil ganun naman ginawa niya kahapon nang sin

