Chapter 25 Magugulat ang mga prinsipe at prinsesa dahil nakaupo na silang lahat sa isang upuan inside a judicial court. Ang nakakainis pa roon, hindi nila magalaw ang mga katawan nila dahil may kung anong bagay na parang glue ang upuan na nakadikit sila sa mga iyon and they are all struggling to get free. Habang ang isa naman na hindi prinsipe sa kanila, si Pearce ay gulat na nakaupo sa upuan na nakaharap sa lahat, na parang siya ang criminal, ‘the defendant’. “All rise,” saad ng isang boses kaya nakuha ang atensyon ng lahat at nagulat pa sila na parang kinontrol ang lahat ng katawan nila na tumayo nga mula sa kanilang pagkakaupo. May biglang pumasok mula sa isang pinto at nagpakita sa kanila ang lalaking umeksena kanina na may mga nagbubugang asul na mga mata na naglakad papunta sa is

