Chapter 22 Yani called all the eight princes and eight princesses for a very important meeting. Kahit hindi sinabi ni Yani ang pag-uusapan nila, iniwan agad nila ang kanilang mga ginagawa at pumunta agad sa underground meeting room. Kung dati, by pair sila darating at minsan hihintayin muna ng isa ang kanyang prinsipe o prinsesa, ngayon isa-isa talaga silang dumating at walang pakialamanan ng mundo pagkarating sa loob ng kwarto at dumiretso sa kani-kanilang upuan. For the very first time, simula nang namuno sila sa kanilang nasyon, ngayon lang sila ganito ka awkward sa isa’t isa. Kawawa nga si Jethro dahil mukha siyang ipit sa kalalagyan niya ngayon dahil halata talaga na may mga sama ng loob ang halos lahat sa kanila. Pag galit ang dalawang magkatipan o di kaya nauwi sa paghiwalayan, hi

