Kahit sa elevator ay hiyang-hiya ako dahil sa ginawa ni Callum. He's a well-known business magnate, tapos sisigaw-sigaw lang siya ng gano'n sa labas ng building namin? Hindi man lang ba siya nahiya sa ginawa niya? Ako na lang ang nahiya para sa kaniya. Pagkarating ko sa opisina ko ay trabaho agad ang inasikaso ko dahil marami akong deadline ngayong araw. Halos hindi na ako magkandaugaga sa ginagawa ko habang ina-assist ako ng sekretarya ko. Hindi na rin ako nakakain ng tanghalian dahil sa sobrang pagiging abala sa trabaho. Ni hindi na rin ako ginulo Sheina, siguro ay nakita niyang marami akong ginagawa ngayong araw, gano'n din naman siya. "Is that really true?" Napabaling ako sa pintuan ng opisina ko nang marinig ang boses ni Dustin do'n. Kumunot ang noo ko, "ang alin?" tanong ko sabay

