Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang nasa opisina dahil naaalala ko pa rin ang ekspresyon ni Faith kanina. Galit na galit siya na akala mo naman ay pag-aari niya si Callum. He’s mine. I won’t let you steal my man. “Ma’am, the meeting will start in five minutes.” imporma ni Christina sa akin. “Alright,” sambit ko bago tumayo at sumunod sa kaniya papunta sa conference room. Inabala ko ang sarili sa pag-aasikaso sa proyektong ginagawa ko. Halos sunod-sunod ang mga meeting ko sa araw na ‘yon. Kaya parang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi ko inintindi ‘yon dahil nasa gitna ako ng meeting. Kumain naman ako ng tama sa oras, kaya hindi ko alam bakit ako nahihilo. O baka sa pagod at stress? Ang dami ko kasing ginagawa kaya siguro sumusuko na ang katawan ko. But I can’t rest yet. K

