Our relationship goes on. Kahit pa medyo alanganin ang lahat ay hindi ako nagpatinag. Lalo pa nang sinasabihan na ako ni Ate Kian na maging alerto at mag-ingat. “I’m just warning you, Hailey. Hindi ito ang oras o panahon para magpakampante. Hangga’t hindi tayo nakakasiguro na wala ngang masamang balak si Callum, we should be cautious. Lalo na ikaw. Dahil ikaw ang kasama niya palagi, ikaw ang pinakasalan, at ikaw ang nahuhulog sa kaniya nang malala. Kaya mag-iingat ka. Okay?” sambit niya habang nasa opisina ko. “I am also investigating on my own. Lalo pa at medyo balisa sina Mommy at Daddy sa kung saan. Hindi ko alam dahil sa tuwing nagtatanong ako sa kanila, sinasabi nila na ayos lang ang lahat at na h’wag na akong mag-alala. I’m just thinking that there’s something wrong.” Napasapo siya

