“Stay away from your wife?” Napatingin naman ako kay Dustin nang sabihin niya ‘yon. “Dustin . . .” marahang tawag ko kaya naman humigpit lalo ang hawak ni Callum sa kamay ko. “First of all, I can’t do that, Callum. I’m her best friend. Nasa buhay na niya ako, college pa lang kami. Kasama na niya ako bago ka dumating sa buhay niya. You’re her husband, yes, but you can’t just order someone around her circle to just stay away from her like that. Do you want her to live alone and just be with you all the damn time?” matamang sambit ni Dustin habang nakikipagtagisan ng tingin sa asawa ko. “No. But if it’s you who she’s with, I’d rather want her alone than be with you all the f*****g time.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin kay Callum na seryoso ang mga mata at parang anumang

