Nagising ako dahil sa sakit ng braso ko, pagbangon ko napatingin agad ako sa braso ko. May nakita akong maliit na dugo dito pero paglinis ko wala namang sugat. Napakunot noo ako ng makita ko ang sarili ko sa mismong kwarto ko. Parang may mali. Sinubukan kong alahanin ang nangyari sa akin pero parang blanko lang ang utak ko. Baka na papraning lang ako, bumangon na ako sa higaan ko. Kinuha yung phone ko sa table nung magring ito napatingin ako sa screen at si Michelle ang tumatawag. Sinagot ko ito. "Oy?" "Wala tayo pasok kaya bukas na natin yun tapusin." Hindi pa ako nakasalita binabaan niya agad ako, napailing nalang ako. Paglabas ko ng kwarto naabutan ko si kuya papasok ng kwarto niya. "Hey you alright?" Tanong niya sa akin ng makita niya ako. Alanganin pa akong tumango sa tanong n

