Klein Pababa na sana ako ng mapansin ko ang kwarto ng kapatid nag alala ako kagabi sa kanya feeling ko natatakot ito lalo't na wala si Sebastian. Lumapit ako dito para katukin, ilang katok na ginawa wala parin. Kaya hinayaan ko na lang baka kase tulog pa baka nakaka-istorbo pa ako. Pagbaba ko dumiretso na agad ako sa dining hall nagulat pa ako ng makita ko si Cj nakaupo na pero tulala. "Akala ko natutulog kapa." Sabi ko nung umupo na ako, inayos na ng katulong ang plato ko. "Andito kana pala, ang aga mo ba nagising?" Tanong ko. Wala akong marinig na sagot sa kanya paglingon ko dito nakatulala lang ito, ang ginawa ko inampas ko ang lamesa at dahil doon nagulat siya. "Kuya naman nanggugulat eh." Inis niya sabi habang hawak niya abg dibdib niya dahil sa gulat. "Kinakausap kita hindi ka

