Celestine Hindi ako makatulog dahil kanina pa sumasakit yung kabilang braso ko, masakit na makati siya. Bumaba na muna ako sa sala para uminom ng tubig pagkarating ko sa kusina naabutan ko si Franky umiinom ng wine. "Mr.Silent nag iisa ka ata." "Can't sleep." Sagot niya. Napatingin ako dito pagkatapos ko buksan yung ref namin, himala sumagot ito. "Same here." Nakati ko muli yung braso ko dahil sa sakit. Lumapit ito sa akin at hinila niya ang braso ko palapit sa kanya, nagulat naman ako sa ginawa niya. "What's wrong with your arm?" He asked. Binawi ko muli ang braso ko dito. "Makati lang." "But its look like not for me. Its swollen." Kumuha na ako ng tubig at ininom ko yun. "You should stop drinking, you're talking too much." Pagkasabi ko nun iniwan kona siya. Pumunta ako sa sal

