Naglunch break muna ang mga studyante bago ipagpatuloy ang mga duel. Napagalitan si Flame at Krayver, ulit. At pareho silang binigyan ng grado ng tulad ng mga natalo, what they did was dangerous dahil mas inuna nila ang mga emosyon nila kesa sa kapakanan ng mga studyante. Nagpatuloy ang exam at marami nang natawag ulit but nothing was as powerful and satisfying as Flame and Krayver's fight. Hindi na nakabalik ang headmaster dahil nagpahinga ito sa kwarto niya. "Reisa Hench and Lean Macarov!" Tumigil ang mundo ko nang marinig iyon. Nagsitinginan ang mga studyante sa akin at nagbulung-bulungan. They all knew that I didn't have the ability to fight. Naglakad si Reisa papunta sa ring na parang wala lang sa kanya. Tumayo ako pero hinawakan ni Krayver ang braso ko at umiling. Binigyan ko siy

