LEAN MACAROV Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa uhaw. Bumaba ako ng hagdan ng hindi binubuksan ang ilaw dahil tinatamad ako. Dumaan ako sa kwarto ni Hilda na nakabukas ng kaunti. Narinig ko ang boses niya na parang may kinakausap. "I told you! Gagawin ko ang sinasabi mo!" "I don't care! basta gawin mo ang gusto ko" Kumunot ang noo ko, naramdaman niya yata ang presensya ko kaya lumingon siya pero buti nalang nakababa na agad ako ng hagdan. Naghilamos ako dahil mugto ang mga mata ko at kumuha na rin ng tubig na maiinom. "Did you know that eavesdropping is a crime?" Napalingon ako sa kanyang habang umiinom ng tubig. Nakasandig siya sa kitchen counter at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw. Binaba ko ang baso pagkatapos kong uminom. "Pinagsasabi mo?" sabi

