LEAN MACAROV "Yan, tama yan. But don't strain yourself" Huminga ako ng malalim at sinubukan ulit na patubuin ang mga ugat mula sa ilalim ng lupa. Maliliit na mga ugat ang lumabas, tumatagaktak na ang pawis ko sa noo hanggang sa hindi ko makontrol ang sarili ko. Ang mga ugat ay mabilis na tumubo mula sa lupa at naging kasing laki at kasing taas ng mga puno. Bumagsak naman ako sa lupa at naghahabol ng hininga. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga kamay ko. Why can't I get it right?! I always lose control. Dahan-dahang bumalik sa ilalim ng lupa ang mga ugat at bumungad sa akin si Luke. Lumapit siya sa akin at inilahad sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko ito at tinulungan niya akong tumayo. "Bakit ba nagmamadali kang magtrain? kadadating lang natin kahapon. Ayos ka lang ba? Are

