LEAN MACAROV Bumalik ang tingin ko sa entablado, tapos nang magsalita si Flame pero biglang nagtama ang mga mata namin. Kahit sa malayo, halata ang pagod sa mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, I don't need anyone who doesn't trust me. Nagsimula na ang Duel, people are shouting their champion, they are chanting their cheers for their class. Binigyan ang mga studyante sa harap ng tatlong minuto para kalabanin ang nasa harapan nila. Para manalo, kailangang gawin ang mga sumusunod. Una, kailangan na magsurrender o magtap ang kalaban. Pangalawa, kapag lumabas ang kalaban sa ring, o mahulog sa tubig na nakapalibot sa ring ay panalo na rin. Ititigil ang laban kapag critical na ang dalawa o ang isa sa kanila. May mga healer na naghihintay just in case. Habang tumatagal, lalo akong

