LEAN MACAROV "Aalis muna ako" sabi ko kay Tracy na busy sa pagsusulat. Tumango lang siya at binalik ang atensyon niya sa pagsusulat. Ilang araw na simula nung dumating kami mula sa kastilya at nagsisimula nang magplano sila Tracy para sa Anniversary ng Academy. Lumabas ako ng dorm at nagsimulang tumakbo. Kailangan kong palakasin ang pisikal kong katawan para mas marami akong magawa sa ability ko. Hindi pa masyadong marami ang tao sa Academy dahil masyado pang maaga at hindi pa nagsisimula ang klase. Habang tumatakbo, hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyayari nung mga nakaraang buwan. I never thought I'd be able to get here. Akala ko habang buhay nalang ako makukulong sa mansyon na iyon. Simula nang lumabas ako don tumawa ako ng maraming beses, napilayan at nasugatan ako ng marami be

