LEAN MACAROV It's so hard to keep hiding emotions from them. Kinalimutan ko ang gabing natulog si Flame sa kwarto para samahan ako. Nagpanggap ako na nakalimutan ko ang nangyari at trinato si Flame ng normal. I woke up with a pounding headache. Tumayo ako para uminom ng tubig, nasa hagdan ako nang makita ko sina Tracy na seryosong nag-uusap sa sala. Bumaba ako para sumali pero tumigil ako. "Hindi pa natin alam kung sa Human Realm ba ang tinutukoy niya o sa kabila" narinig ko ang boses ni Tracy, ako ba ang pinag-uusapan nila? "But still, maybe that Doyle guy is protecting her from something" Nanigas ako nang marinig ang pangalan ni Doyle, the person I hated the most. Ako talaga ang pinag-uusapan nila. "Or protecting the outside world from her" biglang bulalas ni Luke. Napatingin ang

