Nakaupo lang si Liza sa harap ng bintana at nakatanaw sa malayo. Iniisip pa rin niya kung tama bang hindi niya hinayaang pakinggan ang paliwanag ni Dimitri. Pero sa ngayon wala pa talaga siyang balak magpakita dito. Namimiss niya si Dimitri, pero malaki pa rin ang tampo niya dito, dahil sa paglilihim nito. Hindi naman ganoong kakitid ang utak niya sa paliwanag kung katanggap-tanggap naman ang paliwanag. Maiintindihan din niya kung, ayaw na sa kanya ni Dimitri at may mahal na itong iba. Wag lang iyong magugulat na lang siya na may pakakasalan na itong iba. Kaya naman gusto sana ni Liza, kung makikipagkita siya kay Dimitri, ay hindi na masama ang loob niya. Dahil gusto talaga niya itong kausapin ng masinsinan. Ayaw niya lang na mayroon pang tampo at sama ng loob sa kanyang puso. Tumayo s

