Nang mawala sa kanilang paningin ang mga sasakyan ng mga magulang ay naupong muli si Julz sa upuang kinauupuan niya kanina. Si Dimitri naman ay nakatingin kay Julz, habang unti-unting, lumalapit sa isang upuan, na malayo kay Julz. Nakatingin lang silang dalawa sa isa't isa, na wari mo ay walang may gustong bumasag sa katahimikang meron sila sa mga oras na iyon. Wari mo ay sinusuri ni Dimitri ang buong pagkatao ni Julz, sa pamamagitan ng pagtitig dito. Pero tulad din ni Dimitri, ganoon din ang ginagawa ni Julz. 'Wag ko lang talaga malalaman na nais ng lalaki na ito na makasal sa akin, kahit lakad, aalis at aalis ako ngayon dito sa pamamahay niya.' Wika ni Julz sa isipan habang hindi inaalis ang titig sa mga mata ni Dimitri. 'Sana tama talaga ang naiisip ko kanina na ayaw ng babae na it

