Rhian's POV Nakahiga na ako ngayon sa kama. Mabuti nalang at hindi uuwi ngayon si Blue dahil may pinuntahan sila ng Mom niya. Nakakapagod ang araw na ito. Sa sobrang pagod ko pati puso ko pagod na rin. Hindi ko kasi kinaya ang eksena kanina ~flashback~ "Rhea!" Sigaw ni Oliver. Giniginaw na ako sa pagbuhos sa akin ni Ate Rhea ng tubig. Ang lamig ba naman sa restaurant kasi nakatapat kami sa may aircon nila "Hindi ba sabi ko sayo wag na wag mong lalapitan si Oliver?! What did you do?!" Giniginaw ako pero naiinis na ako sa mga sinasabi ni Ate Rhea sa akin "Stop it! You're causing a scene here. Isa pa kasalanan ko kung bakit kami magkasama okay?" Sagot naman ni Oliver. I don't know kung matutuwa ba ako sa sinasabi niya ngayon pero nanginginig na talaga ako "Are you sure? Baka naman sined

