-May- Napadalas na ang paglabas at pamamasyal namin ni Joannie. Sa kanya ko naramdaman na may kaibigan ako. Nagkakasundo rin kami dahil pareho kaming di nagpapatalo. Nagtatalo rin kami minsan pero nauuwi lang yun sa tawanan dahil kadalasan ay mga nonsense lang ang pinag aawayan namin. Lagi na ring sumasama sa amin ni Andy si Joannie. Syempre aso't pusa silang dalawa. Pero napag alaman ko ring magkaibigan pala sila dati kaya ganun na lang ang "closeness" nila. Sa sobrang close eh halos magpatayan na sila araw-araw. Minsan nga kinikilig ako sa kanilang dalawa eh. Ewan ko ba pero parang may chemistry sila. Kahit halos kasuklaman nila ang isa't isa. Lagi ko nga silang tinutukso at tuwing ginagawa ko yun ay sinasamaan nila ako ng tingin. Sabay kaming tatlong naglalakad dito sa hallway. Pinagi

