-May- Sira sira ang mga gamit ng bahay. Sira na rin ang piano na kanina lang ay pinapatugtog ng babae, ang aking ina. Anong nangyayari? Madilim ang bahay, umuulan at kumikidlat rin. Tama. Bumabalik na sa akin ang ala ala ko. Halos mamutla ako nang nakita kong nakahandusay ang ina at ama ng batang ako. Sinaksak sila at naliligo sa sarili nilang dugo. Walang awang pinatay ang mga magulang ko sa mismong harap ko. Nakatayo sa may pintuan ang isang lalaking nakaitim. Nakamaskara ito pero kitang kita ang mapupula nitong mata. Nakakatakot. Para itong isang halimaw. Oo. Isa siyang halimaw. Nasa sulok lang ako at nanunuod. Unti unti niyang hinubad ang maskara. Walang pinagbago sa mukha niya. Si Dimitri. Siya ang pumtay sa mga magulang ko. Bakit? Hindi ko maintindihan? Akala ko iba siya. Pero ak

