-Stephen- Naging normal naman ang lahat. Pero bumabagabag pa rin sa akin ang mga sinabi ni Delphi. Ayaw kong makahalata si May kaya pinilit kong umaktong normal at parang walang nangyayare. Ngayon naman ay matalim na tingin ang binabato ko sa Andy na 'to. Hindi ako tanga. Alam na alam ko na may gusto siya sa asawa ko hanggang ngayon. Hindi ko hahayaang makuha niya si May. Magkamatayan na. Hindi pa rin maiilaalis sa akin ang magselos kay Andy. Alam kong ako ang mahal ni May pero may mga pagkakataon na naiinggit ako sa tagal ng pinagsamahan nila ni Andy. Lalo na ang pagtatraidor niya sa akin. Ang mahalin ang asawa ko, 'yun ang di ko mapapatawad. Nagpresinta si May na siya na raw ang kukuha ng handouts ni Sir. Tss. Nayamot na siguro yun dito sa baklang si Andy. (Bad mo talaga!!!) Shut up.

