-May-
Agad na kumalat ang balita na may namatay na mga estudyante. Napansin ko rin na hindi mapakali si Stephen ilang araw na. Para bang may iniisip siya pero di niya naman sinasabi kung ano.
Ewan ko pero nabubuhay ang dugong detective ko dito sa mga p*****n na to. Fan kasi ako ng Tantei High (ehem). Sa ngayon, tatlong estudyante ang pinatay kabilang na dun si Olive. Wala akong napansin na kahina hinala sa pagpatay sa kanila. Iba ang lugar at oras ng pagpatay sa kanila. Si Olive ay pinatay sa powder room, yung babae naman ay sa gate at yung lalaki ay sa library. If there is something in common, that would be the way they are killed which is stabbing. Silver knife ang ginagamit na weapon sa pagpatay. Sabi ni Sabrina pareho daw ang pumatay sa kanilang lahat. Kahit inis ako sa babaeng yun ay hindi ko naman mapagkakaila na mapapakinabangan ang ability niya sa mga ganitong sitwasyon. Sinalaysay niya kanina ang mga pangayayari at kung paano pinatay yung mga estudyante pero di pa rin makilala ang killer. Maski ako ay walang kaide ideya. Pero nacucurious ako at nalulungkot din at the same time.
Ngayon ang pageant. Medyo busy kami dahil sa paghahanda. Ilang oras na lang at magsisimula na kaya inayusan agad ako. Pero wala pa si Stephen. Sabi niya may aasikasuhin pa daw siya.Naku. Saan ba nagsususuot yun?
Nakipagchika muna ako sa babaeng nag aayos sa akin. Nakakabagot naman kasi kung tutunganga lang.
"Ate ano yung mga peacekeepers?" tanong ko
Curious din ako tungkol sa kanila. Sila kasi yung mga nag aasikaso pag may crime.
"Sila po yung nagsisilbing detective at pulisya dito. Tinalaga sila ng council para sa trabahong yun. Kaya kung mapapansin niyo po sila ang nag asikaso tungkol sa mga napatay."
Ah ganun pala yun. Kung titingan mo sila, parang mas nakakataas sila kaysa sa ordinaryong pulis o detective sa mundo ng mga tao. Patuloy lang siya sa pag aayos sa akin at nagtanong pa ako.
"Ano po yung council?"
Keke. Nagiging matanong na ako. Curious kasi ako.
"The Place where the Vampire Dwells o mas kilala sa tawag na Crimson Valley ay mayroon pong heirarchy. In order po ang kapangyarihan ng bawat pamilya ng bampira. Ang Grayson clan kung saan nabibiling kayo at ang Prinsipe ang pinakamakapangyarihan sa lahat, royalties po kayo kung tawagin. Sunod po doon ang mga elites tulad po ng pamilya nila Ms. Sabrina at Master Blake. At syempre po sa huli ang mga katulad naming ordinaryong bampira. Yung council po ay samahan ng mga royalties at elites. Ang council ang may kapangyarihang magdesisyon at gumawa ng batas sa lahat ng mga bampira sa buong mundo hindi lang dito. Kung tutuusin mas may kapangyarihan ang council kaysa sa royalties kaya sinusunod sila."
Grabe parang volturi lang ng twilight yung council.
"Sino po ang miyembro ng council?" tanong ko
"Sampu po ang miyembro nun. Ang natatandaan ko pong kasali doon ay si Sir Dimitri, yung ama po ni Master Andy, si Sir Cleo, ama ni Sir Blake at ang pinuno po ng council ay si Sir Theodor, ama ni Miss Sabrina."
Nabigla ako ng sabihin niya na pinuno pala ng council ang tatay ni Sabrina. Makapangyarihan nga talaga ang pamilya niya. Hindi lang siya ordinaryong elite.
"Hindi po ba kasama ang hari at reyna sa council?" tanong ko
"Hindi po. Bawal po silang sumali dahil may katungkulan na sila. Kaya nga po bilang representative ng royalties, si Sir Dimitri ang naging miyembro."
Kailangan ko na yatang makinig sa klase. Ngayon ko lang kasi nalaman to.
"Mahal na prinsesa tapos na po."
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maganda ang pagkakaayos niya. Kinakabahan tuloy ko. Pero parang may iba pa akong nararamdaman. Parang may mali. Parang may masamang mangyayari. Hindi ako mapakali.
"Thank you."
Relax lang May. Kaya mo yan.
***
Rinig ko ang sigawan ng mga estudyante dito sa hall. Dumadagundong ang buong hall na pinagdadausan ng pageant. Napakaganda din ng stage na may motif na black, red at white habang nagsasayaw ang mga neon lights.
"Sabrina Vonderheide!"
Rumampa na si Sabrina. Kitang kita ang confidence sa kanyang paglalakad suot ang isang flowy one strapped dress at killer silver pumps. Nagpalakpakan naman ang lahat sa pagkamangha sa kanya.
Nang nakarating na siya sa kanyang pwesto, nag umpisa na rin akong rumampa. Kinakabahan ako pero isinantabi ko yun dahil ayaw kong mapahiya.
Narinig ko naman ang dumadagundong na palakpakan. Mas lalo akong napangiti.
Pagkatapos ng portion na yun ay bumalik na kami sa dressing room para sa next portion. Habang inaayusan kaming mga babae ay rumampa naman ang mga lalaki.
Ngayon ko lang ulit nakita si Stephen ngayong araw. Kinabahan pa nga ako sa kanya dahil akala ko wala siyang balak umattend.
Napakalakas ng tilian ng mga kababaihan. Sigurado akong nagwapuhan na ang mga yan sa asawa ko o sa bestfriend ko. Sige lang. Ienjoy niyo ang view.
Kami na ulit ang rumampa. Ganun lang naman ang nangyari hanggang sa lahat na kaming contestant ay nandito na sa stage suot ang aming gowns at tux para sa Q and A.
Natapos na kaming mga babae at confident naman ako sa sagot ko.
Si Stephen na ngayon ang tinatanong ng Emcee.
"Will you sacrifice your own happiness for the one you love? Lets say your wife for example"
Grabe naman tong Emcee nakakaintriga ang tanong. Nasali pa talaga ako . Di ba pwedeng world peace na lang ang sagot? Hay naku.
"Are you willing to sacrifice or not?"
Nakita ko ang seryosong ekpresyon ni Stephen.
"I will sacrifice my happiness. Honestly, happiness is being with the one I love. Happiness is being inlove. But if I have to let go of my happiness for the sake of her, I would definitely do it. Even if it means that I should let her go."
Biglang sumama ang pakiramdam ko sa sagot ni Stephen. Bakit ganoon ang sagot niya? Let her go? How can you be happy if your not with the one you love?
***
Pinabalik na kami ng Emcee sa dressing room dahil tinatabulate pa daw ang scores namin. Di ko naman maiwasang mapatingin kay Sabrina. Nakangiti siya. Yung ngiti na parang nagsasabi na panalo na siya. Hindi sa pageant pero sa iba. Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam ko.
Tinawag na kaming lahat. Iaanounce na daw ang winners.
"3rd runner up, Carmela Rae Grayson."
Pumunta na sa gitna si Carmela tsaka kinuha ang sash at boquet.
"2nd Runner up Angeli Dominice Grayson...."
"1st runner up..."
Hinintay naming magsalita ang emcee. Masyado kasi siyang pasuspense.
"Sabrina Vonderheide."
Nakangiting tinanggap ni Sabrina ang sash at boquet. Himala yata at hindi siya nainis.
"And our winner, Ms. Candice May Grayson!"
What the? Ako talaga ang nanalo?
Kinoronahan ako at sinabitan ng sash at may boquet rin. Emeged. Ganito pala mag ala-Miss Universe.
Ngumiti lang ako tsaka inonounce na rin yung sa lalaki.
"Stephen Kai Grayson!"
Napasigaw at napapalakpak naman ang lahat ng iannounce na si Stephen ang nanalo.
Nandito na siya sa tabi ko. Nung nagtama ang mga paningin namin, agad ko siyang nginitian pero di ko inaasahan na isang blank face ang isusukli niya sa akin. Hindi manlang siya ngumiti. Ano bang nangyayare sa kanya?
****
Bumalik na ako sa dressing room para magbihis. Nag aalala na ako sa mga kinikilos ni Stephen. Ano ba ang problema niya?
Habang sinisuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin, bigla akong natigilan dahil nasa likod ko na pala si Sabrina. Tinitingnan ko lang ang repleksyon niya na nakangisi.
"Congrats May or should I say, congrats to me." sabi niya tsaka umalis.
Nakakainis na. Kinukutuban na ako.
Aalis na ako. Hahanapin ko ang asawa ko.
"Hey."
Bigla kong nakasalubong si Andy dito sa hallway.
"Hey." sagot ko
"Congratulations May."
"Thank you. Congrats din sayo."
"May pupuntahan ka?" tanong niya
"Uhm. Hinahanap ko kasi ang asawa ko."
Biglang nag iba ang ekpresyon niya. Oh shocks. I'm being insensitive again. Pero ayaw ko munag isipin ang problema ko kay Andy. Kailangan ko ng makita si Stephen
"Una na ako Andy."
"Yeah. Bye."
**
Halos patakbo takbo na ako hanggang sa napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Sabrina. May kausap siya. At hindi ako pwedeng magkamali, kasama niya si Stephen.
Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan nila.
"Let's seal this with a kiss." nakangiting saad ni Sabrina.
Halos mapaupo ako sa sunod na nakita ko. Hinalikan siya ni Stephen. Si Stephen talaga ang humalik sa kanya at hindi si Sabrina. Unti unting lumandas ang mga luha sa aking mga pisngi. Ang sakit. Niloko niya ako. Gusto ko silang sigawan para tumigil sila pero di ko magawa dahil iyak ako ng iyak at pinipigilan ko pa ang paghikbi. Ganito ba dapat ang paraan ng pagsampal sa akin ng katotohanan? Lahat ba ng sinabi niya ay wala lang? Bakit niya nagawa to? Lokohan lang ba to lahat? Mahal niya ako kahapon tapos ngayon babalikan niya si Sabrina? Aalukin niya ako ng kasal tapos may kahalikan siyang iba? Natatawa ako sa sarili ko. Masyado akong naging kompyansa. Masyado akong nagtiwala na hindi niya ako kayang ipagpalit dahil ako lang ang mahal niya.
I was so stupid to expect that I am his LAST but the painful truth is, he still loves his FIRST.
Tama si Sabrina at mali ako.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko ngayon. Harap harapan na nga ang panloloko nila sa akin pero ganito pa rin ang nararamdaman ko. Kahit ang sakit sakit na nitong nararamdaman ko ay mahal ko pa rin siya.