Sa trabaho ni Katrina ay ginawa niya ang lahat para magampanan ang posisyon na ibinigay sa kanya. Tumaas ang sahod niya at may mga taong naniniwala sa kanya na siyang kinasasaya ng puso niya.
Ang maganda lang ngayon sa trabaho niya ay wala naman siyang nakakasamaan ng loob kaya masayang-masaya siya.
Kahit papaano naman ay nabubuhay niya ang sarili niya ang anak niya at ang Lola niya. Hirap na hirap na rin siya ‘yon ang totoo lalo’t ilang beses nang naglalabas-masok ang Lola niya sa hospital.
Ang masakit pa ay noong araw na sinabi nitong hindi na nito kailangan pang ipagamot. Alam niyang ayaw lang ng Lola niya na mag-alala pa siya at gumastos ng malaki.
Hindi na nga niya natupad ang pangako niya rito na bibigyan niya ito ng masaganang buhay ay hahayaan pa ba niyang mawala ang Lola niya kung kaya naman niyang gawan ng paraan. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya kapag wala sa tabi niya ang Lola niya. Sigurado siyang mawawalan siya ng ilaw kapag nawala ito.
“Ma’am Kat…”
Napatingin siya sa pinto ng opisina niya dahil marami siyang tinatapos dahil nagsidatingan kanina ang mga stock ng iba’t-ibang inumin kaya kailangan niya tignan kung tama ba ang bilang.
“Joan, sinabi kong huwag mo na akong tawagin na ‘Ma’am’. Hindi naman na kailangan na maging formal tayo kayo tayo-tayo lang ang nag-uusap,” mahinang sabi niya sa katrabaho.
“Grabe ka talaga, Katrina. Ikaw lang ang ‘Head Manager’ na hindi lumaki ang ulo,” sabi nito kaya natawa naman siya at inabot ang folder na hawak nito. Siguro ito ang kabuuang tally ng mga dumating na stocks.’
“Wala naman nagreklamong mamimili ngayon?” tanong nioya habang abala sa binabasa niyang folder at mamaya-maya ay kailangan niya ulit na bilangin.
“Ano pa nga ba;’ng aasahan mo? Kahit naman hindi bigatin ang kumpanyang ‘to marami talagang mayaman ‘kuno’ ang ditto namimili tapos sila pa ang may ganang magreklamo kapag wala agad na umasikaso sa kanila. Hello, we are in the barrio means we’re in the province. Anong tingin nila rito? Maynila?” tanong nito at natawa naman siya dahil sa haba ng sinabi nito.
Napahawak na lang siya sa batok niya dahil natawa sa sinabi nito.
“But we are an independent component city. Alam mong malawak ang probinsiya natin at tayo ang may pinakamalawak na pamilihan sa iba’t-ibang probinsiya kaya hindi rin maiiwasan talaga na maraming mayayaman na nagrereklamo,” sabi naman niya dahil totoo naman ang sinabi niya.
“Kahit pa ba. Bulok pa rin ang lungsod natin ‘no, wala nang pag-asa ang pilipinas dahil sa mga halang ang sikmura na walang ginawa kundi magnakaw ng pera ng bayan kaya nga ang dami pa ring mahihirap e,” sabi nito kaya natawa naman siya.
“We can do nothing with people like that. All we have to do is strive in life to rise somehow,” she whispered. Alam naman niyang narinig ni Joan ang sinabi niya.
“Oh ba’t nag-iingles? Sorry bo… bobo po ako e,” birong sabi nito kaya napailing na lang siya bago tumawa.
“Bumalik ka na nga sa trabaho mo,” sabi niya kaya tumawa naman si Joan.
“Nga pala Katrina,” tawag nito sa kanya kaya napatingin naman siya rito.
“Hihintayin ko si KV ah. Sabihin mo sa kanya kahit na dalawang baboy at isang baka lang ang iharap sa tatay ko ay ayos na, pwede na niya akong pakasalan,” tumatawang sabi nito kaya malakas siyang tumawa.
“Hoy bata pa ang anak ko Joan!” sigaw niya sa katrabaho na naging kaibigan na rin niya. Gusto niya ngang ito ang ipakasal kay Eduardo kaso wala naman yatang balak na mag-asawa si Eduardo lalo nang naghiwalay ang kaibigan at si Brian.
Talagang maging siya ay hindi inakala na talagang magiging si Brian at Eduardo.
“Tantanan mo ang anak ko Joan ah. Idedemanda talaga kita,” tumatawang sabi niya sa kaibigan kaya nakita naman niyang bumusangot si Joan kaya natawa siya.
“Ang arte mo naman, ayaw mo ‘yon may mag-aaruga na kay KV. Hindi ako kabilang sa ninang noong binyag niya kaya pwede ‘yon. Hindi ko naman siya inaanak,” tumatawang sabi nito kaya napahawak na lang siya sa batok niya.
“Tantanan mo ang anak ko Joan! Isa pa kabilang ka na sa ninang ni KV kahit hindi naman talaga. Inaanak mo na ‘yon kaya iayos mo buhay mo,” tumatawang sabi niya.
Noon kasi na nabinyagan si KV ay hindi pa niya kilala si Joan kaya gano’n. Kaya hindi niya ito nagawang ninang noong binyag ni KV.
Pero kahit naman gano’n ay hindi pa rin nawawalan ng regalo o pera si KV tuwing pasko o kaya bagong taon. Mabuti na ‘yong ganito na busog sa pagmamahal si KV para hindi ito magtanong tungkol sa Ama nito lalo’t hindi niya alam ang isasagot niya.
Tumayo siya para lumabas na ng opisina niya at para puntahan ang mga stock na mukhang nasa budega na katabi lang naman ng building kung saan siya nagtra-trabaho. Kung tutuusin ay malaki namang ang gusali kaso walang-wala pa rin ito sa mga market sa maynila.
Nang makalabas siya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Marco. Gustong-gusto nitong manligaw sa kanya pero hindi naman niya ito gusto at wala siyang balak na kausapin ito.
“Good morning, Katrina,” he greeted her politely.
Napakagat naman siya sa ibabang labi niya at katulad ng palagi niyang ginagawa kapag kaharap niya ito at ang mga lalaking nagtatangkang ligawan siya ay ang bigyan ito ng pekeng ngiti.
Dihamak na mas matanda siya kay Marco ng walong taon dito. Mukhang kakatapos lang nitong mag-aral at sa tingin naman niya ay malayo rin ang mararating nito.
“Magandang umaga,” sabi niya pero labas sa ilong ang pagkakasabi niya.
“Kumain ka na ba? Labas naman tayo oh. Pangako ihahatid din kita agad kapag katapos nating kumain,” nakangiti nitong sabi sakanya pero umiling naman siya.
“May baon kasi ako Marco tsaka kasama ko ang mga katrabaho kong kumain kaya hindi talaga pwede,” mahinang sabi niya at lalampasan na sana ito nang humarang na naman ito sa daraanan niya.
“Mamayang gabi… pwede ka ba?” makulit na sabi ni Marco sakanya. Dapat si Joan ang pag-initan niya e dahil si Joan ang nagsabi kay Marco na wala pa siyang asawa pero may anak siya.
“Marco, may anak ako, kailangan kong umuwi ng maaga para gampanan ang pagiging Ina ko,” mahinang sabi niya pero wala talagang balak ang binata na hindi siya pumayag.
“Alam ko naman ‘yon, pwede mo namang isama ang anak mo mas magiging masaya ako kapag makikilala ko siya,” sabi nito kaya napahawak na lang siya sa noo niya. Ano na ba ang klase ng utak meron ang mga ganito kabata?
Alam naman niyang may mga kaedad si Marco na talagang matandang-matanda na ang pag-iisip pero hindi si Marco.
Ano siya bobo? Magdadagdag lang siya sa sakit sa ulo kapag hinayaan niyang papasukin si Marco sa buhay niya at isa pa ay wala talaga siyang balak na makipagrelasyon sa kahit na sino.
“Marco wala akong balak na payagan kang manligaw. Tsaka ang laki ng tinanda ko sa ‘yo. Sa ngayon ay nasa anak ko lang ang buong atensyon ko at wala akong balak na magdagdag ng ubligasyon. Maghanap ka na lang ng iba,” mahinang sabi niya at tinalikuran na ito.
Hindi niya talagaalam ang gagawin niya kay Marco. Mas makulit pa ‘to sa anak niya kung tutuusin talagang palagi itong naghihintay sa kanya.
Nagpasalamat naman siya dahil hindi siya sinundan ni Marco. Hindi niya gustong masabihan ng hindi maganda si Marco pero ito lang ang nakikita niyang paraan para tumigil na ito.
Natigilan naman siya nang marinig niya ang cellphone niya na tumutunog. Baka si Eduardo ito kaya agad niyang sinagot. Wala naman kasing ibang tumatawag sa kanya maliban kay Eduardo lang.
“Katrina.” Napangiti naman siya nang marinig niya ang boses ni Emitt.
“Kamusta? Nasa byahe ka na ba?” tanong niya rito dahil madalas na pumupunta si Emitt dito ng biyernes at luluwas kapag linggo ng gabi.
“Mamaya-maya nandiyan na rin ako, huwag ka nang magluto. Lumabas naman tayo nila KV,” malambing na sabi nito kaya napakagat naman siya sa ibabang labi niya.
“Huwag ka na magdala ng kung ano-anong laruan at libro, masyado ka nang maraming naibigay kay KV. Masyado na siyang maraming hinihiling sa ‘yo,” sabi niya kasi totoo naman.
Minsan pa nga ay may inililihim sa kanya ang dalawa. Sobrang lapit ni KV kay Emitt at alam niyang masasaktan si KV kapag bigla na lang hindi nagpakita si Emitt kaya kahit na mahaba ang byahe mula maynila papunta rito ay hindi na niya pinipigilan si Emitt.
Para rin ito sa anak niya at lahat gagawin niya maibigay lang ang magpapasaya rito.
“Minsan na nga ako magbigay sa kanya ay binabawal mo pa,” tumatawang sai nito kaya napairap na lang siya sa hangin.
“Huwag lang masyadong marami, Emitt. Mamimihasa kasi si KV,” mahinang sabi niya.
“Sige na balik lang ako sa trabaho,” sabi nito at pinatayan siya ng tawag kaya napairap na lang siya bago napabuntong hininga.
Hindi talaga makikinig sa kanya si Emitt. Ano pa bang magagawa niya.
As long as it makes her child happy. Hahayaan na lang niya.