Ang kumot na pinagamit niya sa kanya bisita na lang ang nadatnan niya kinabukasan pagkagising niya. Nahirapan siya matulog ng gabi iyun dahiL sa kaalaman na nasa salas lang ang binata. Iyun ang unang beses na hinayaan niya na may lalaki na natulog sa kanya unit. Kung meron man babae. She sighed. Dinampot niya ang kumot at nalanghap niya ang naiwang pabango ng binata. Ang bango! Inamoy-amoy niya ang kumot. "Infairness hindi masakit sa ilong ang pabango niya.." nakangiti niya saad. Agad din nawala ang ngiti sa mga labi niya ng bigla niya maisip kung ano ginagawa nito sa condo niya? Hinatid ba nito ulit ang girlfriend nito na nakatira din dito? Marahas siya napabuga ng hangin. Panira naman! Nagtungo siya sa opisina ng bagong boss nilang si Gemmuel. Pinapatawag daw siya nito. Kina

