Nagdadalawang-isip siya na pumunta sa bahay ni Patrikk pero malakas ang udyok ng kuryusidad niya na makita ang alaga nitong lobo. Hindi siya makapaniwala na totoo may lobo nga! Kasinglaki at kasingkisig din ba siya ni Jacob ng Twilight? May kunti siya kaba pero naeexcite siya! Agad na bumukas ang pinto na nasa gilid. Alam nito na nandun na siya. May CCTV siguro dito sa labas di lang niya alam kung saan nakakabit. Seryoso ang gwapo nito mukha ng bumungad ito sa kanya. "Good afternoon.." nakangiti niya saad. "You here because you want to see it?" anito. "Uhm,Oo..kasi nakacurious kung totoo nga na may alaga kang lobo!" aniya. "Come inside.." anito at nauna ng pumasok sa loob,agad-agad na sumunod siya rito. Muli sa pangalawa pagkakataon nasilayan niya muli ang loob ng bahay nito. "B

