Cristine Soriano Nagising na lang ako kinabukasan na nasa kuwarto na ako na pinagamit sa amin dito sa mansyon ni Lola Lucy. Nakita ko sa aking tabi na mahimbing pang natutulog si Daniel. Siguro sa pagod ko na rin kaya hindi ko an namalayan ang paguwi namin dito sa bahay ni Lola Lucy. Tiningnan ko ang orasan na nasa side table ko ay 6:00 pa lang ng umaga. Morning person naman ako lalo kapag may pasok ako pero ngayon na buntis ako napansin ko na medyo tinatanghali akong gumising. Kaya siguro maaga ako nagising ngayon dahil maaga akong nakatulog kahapon. Speaking ng pagaaral ko. Napagusapan namin ni Daniel na kung puwede ako mag home schooling habang buntis ako lalo ngayon na medyo sensitive ang pagbubuntis ko, kasi ayaw ko talagang huminto at nanghihinayang ako sa panahon. Kaya naman ka

